MANILA, Philippines – Itinanghal na Best in Show ang ABS-CBN sa katatapos lang na Spark Awards for Media Excellence ng Marketing Magazine matapos itong mag-uwi ng tatlong Gold, dalawang Silver, at apat na Bronze awards.
Ang Spark Awards ay binuo ng Marketing Magazine upang parangalan ang mga nangungunang media owners sa Southeast Asia.
Tumanggap ng dalawang Gold awards ang kampanyang Tulong na, Tabang na, Tayo na ng Kapamilya network sa mga kategoryang Best Event by a Media Owner at Best Media Solution – Integrated Media, samantalang pinarangalan naman ng Gold award ang Tayo Na Solidarity Concert para sa Best Event by a Media Owner.
Nakakuha ng Silver award ang mobile app na PasaHero sa Best App by a Media Owner category, pati na ang health news program na Pamilya On Guard sa Best Use of Branded Content by a Media Owner category.
Bronze trophies naman ang iginawad sa Online Bahay ni Kuya ng Pinoy Big Brother All In bilang Best Campaign by a Media Owner, Grand Kapamilya Weekend bilang Best Event by a Media Owner, CLEAR National Aspirants Camp bilang Best Use of Branded Content by a Media Owner, at Choose Philippines bilang Best Website by a Media Owner.
Nakatanggap ng higit sa 170 na entry ang Spark Awards na hinusgahan ng media professionals mula sa kilalang agencies sa rehiyon, gaya ng Havas, Mindshare, ZenithOptimedia, at iba pa. Ang gala dinner nito ay ginanap sa Westin Hotel Singapore kung saan iginawad ang mga parangal sa 24 na kategorya.
Babaeng nabyuda ng mahigit apat na beses nagtapat sa magpakailanman
Kung ikaw ay mamatayan ng asawa, magagawa mo bang magpakasal ulit? Paano kung pati ang pangalawa mong asawa ay bawian ng buhay? At ang pangatlo? Ang pang-apat?
Hindi naging madali ang buhay para kay Bega Laurente. Hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral at inalila sa kanyang sariling bahay. Kaya naman nang magpakita ng interes sa kanya ang isang lalaki, si Tony, hindi na siya nagpakipot pa. Ibinigay niya ang puso niya kay Tony—para lang matuklasan na hindi pala ito tapat sa kanya.
Ngunit inaral pa rin mahalin ni Bega ang lalaki. Kaya naman naging masakit rin sa kanya ang pagkawala nito sa buhay niya.
Hanggang sa nakilala niya si Berting.
Dahil may anak na, hindi inakala ni Bega na may magkakagusto pa sa kanya. Pero pursigido si Berting na makuha ang puso niya. Mabait ang lalaki. Maalagain. Hindi napigilan ni Bega ang sarili niya na mahalin rin ito. Hanggang sa malaman niyang kriminal pala ito. Hanggang sa ito ay makulong.
Pero mabuti nang nakulong kesa namatay. Ang problema ngayon ni Bega ay paano niya bubuhayin ang dalawang anak bilang isang labandera na walang alam, habang binabayaran ang renta ng bahay ni Berting? At paano kung malaman niya na ang asawang kriminal ay hindi pa rin pala tunay na nagbabago? Paano naman mawawala si Berting sa buhay ni Bega? At paano niya makikilala sila Turla at Vic? At paano rin sila nawala sa kanya?
Itinatampok sina Rhian Ramos, Mark Herras, Neil Ryan Sese, Bobby Andrews, at Raymond Bagatsing, kasama rin si Mariel Pamintuan.
Mula sa direksuon ni Gil Tejada, Jr., alamin ang pag-ibig ni Bega Laurente ngayong Sabado sa Magpakailanman: Ang Biyudang Nakaitim pagkatapos ng MARIAN sa GMA7.