^

PSN Showbiz

Nanay ni Mark Bautista hinuli sa kasong estafa, singer hindi madamayan ang ina; Tsismis na pagbubuntis ni Cristine tanggap ng fans

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ang makahulugang tweet ni Mark Bautista na “Bad company can mislead you” na posibleng patungkol sa kanyang ina na si Susan Bautista na dinakip sa Cagayan de Oro noong Miyerkules dahil sa estafa case.

SCENE: Apektado si Mark Bautista sa nangyari sa kanyang ina na hindi niya madamayan ng personal dahil nasa London siya para sa pagtatanghal ng Here Lies Love.

SEEN: Ang story conference noong Huwebes ng More Than Words, ang second teleserye ng real-life lovers na sina Janine Gutierrez at Elmo Magalona.

SCENE: Tanggap ng fans ni Cristine Reyes ang unconfirmed report na buntis siya dahil nasa legal age na ang sexy star para magkaroon ng anak at maging ina. 

SEEN: Nahuli kahapon si Francine Prieto dahil inabot ng oras ng number  coding scheme ang sasakyan na minamaneho pero binigyan siya ng konsiderasyon ng traffic enforcer nang makita nito sa kanyang lisensya na birthday niya sa September 17.

SCENE: Kasama ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto sa Alay Lakad na ginanap kahapon sa Batangas City ang kanyang anak na si Luis Manzano at ang girlfriend nito na si Angel Locsin.

SEEN: Ang report ng Box-Office Mojo International sa box-office gross ng mga pelikula na ipinalabas sa mga sinehan sa Pilipinas noong August 20 hanggang August 24 at ang resulta ng tapatan sa takilya ng Somebody to Love ng Regal Entertainment Inc. at  Talk Back and You’re Dead ng Viva Films/Skylight Films.

ALAY LAKAD

ANGEL LOCSIN

BATANGAS CITY

BATANGAS GOVERNOR VILMA SANTOS-RECTO

BOX-OFFICE MOJO INTERNATIONAL

CRISTINE REYES

ELMO MAGALONA

FRANCINE PRIETO

MARK BAUTISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with