Daniel isasama sa Darna ni Angel?!

Maikling “The big winner in a big movie soon” ang announcement ni Jonas Mercator with matching picture ni Daniel Matsunaga sa kanyang Instagram (IG) na ikinatuwa ng fans ni Daniel. Kanya-kanyang hulaan kung anong pelikula ang tinutukoy ni Jonas dahil wala siyang ibinigay na detalye.

Tama kaya ang nakararami na ang pelikulang Darna na pagbibidahan ni Angel Locsin ang gaga­win ni Daniel? May mga nagre-request din na big­yan ng ABS-CBN ng soap si Daniel na siguradong mangyayari.

Kris intimidated kay Dennis

Wala kaming nabasang birthday greetings ni Kris Bernal kay Carl Guevarra sa Twitter o Instagram (IG). Birthday ng aktor noong Martes at sa rami nang bumati sa aktor, hindi namin nabasa ang pa­nga­lan ng aktres sa mga bumati kay Carl.

Break na raw kasi sina Kris at Carl a few weeks ago, pero dahil never nilang inamin ang kanilang relasyon, wala rin silang aamining break-up. Kapag tinatanong nga namin ang kampo ni Carl kung break na ang dalawa, ang laging sagot sa amin ay kung nag-on ba ang dalawa. Ha ha ha!

Hindi namin alam kung bakit nag-break sina Kris at Carl, napansin na lang ng kanilang followers na hindi na sila nagpo-post ng pictures na magkasama sila. Nabasa rin ang quotation post ni Carl ng “Hindi ako nagbago natuto lang ako hindi kasi puwedeng habambuhay tanga ako” at sinundan ng “Maybe one day we’ll meet again, when we’re different people. Maybe then we’ll be better for each other.”

Kayang-kayang mag-iwasan ang dalawa para hindi magkita dahil sa TV5 ang mga show ni Carl at si Kris ay sa GMA 7. Siya ang kapareha ni Dennis Trillo sa teleserye na Hiram na Alaala na magpa-pilot sa September 22.

Natutukso na sina Dennis at Kris nang aminin ng aktres na kinikilig siya kay Dennis at nahihiya siyang tumingin dito dahil nakakalunod ang mga tingin. Malaki ang respeto niya sa aktor, pero intimidated siya rito.

Sam pinayagang makasama si Jasmine sa TV5

Matutupad ang matagal nang gusto ng fans ng couple na sina Sam Concepcion at Jasmine Curtis-Smith na mapanood sila sa TV dahil pinayagan ang singer-actor ng ABS-CBN na gawin ang My Tag Boyfriend ng TV5.

Special project ang My Tag Boyfriend, kaya ipinahiram si Sam, one week, pero daily na raw itong mapapanood this September sa direction ni Monti Parungao. Bagay sa dalawa ang rom-com concept ng mini-series dahil puno ng romansa ang buhay nila.

Indonesian fans ni Christian, nagpipilit matutong mag-Tagalog

Ang daming Indonesian followers si Christian Bautista sa Instagram (IG) at ang iba, nag-i-effort matuto ng Tagalog para makipagkonek sa Filipino fans ng singer-actor para makahingi sila ng update sa activities ni Christian dito.

Ang iba, sa English nagpo-post at ang iba ay sa Bahasa na naiintindihan naman siguro ni Christian dahil pabalik-balik ito sa Indonesia. Katatapos lang nito ng three successful shows sa city of Banjarmasin (August 23), Prive Club sa Jakarta (Aug. 26) at Queen Rose sa Bandung (Aug. 26).

Ang nakakatuwa, kahit katatapos pa lang ng three concerts ni Christian, marami na agad ang nagre-request na bumalik sa Indonesia si Christian at mag-show sa mga lugar nila.

Kung ganitong big star sa Indonesia si Christian, bakit hindi ipalabas doon ng GMA 7 ang rom-com series nitong With a Smile at ang Strawberry Lane na magpi-premiere pa lang sa September 15.

Show comments