Sharon mas may pag-asa sa pulitika

Baka nga matuloy sa pulitika si Me­gastar Sharon Cuneta. Paano, wala naman siyang mapuntahang net­work. Iniwan niya ang ABS-CBN kaya hindi siya si­guro rito babalik. Pwede sa GMA, pero bakit hindi niya subukan? O baka tulad sa Dos ay meron nang mga namama­yaning artista rito. Hindi rin siya pwedeng magreyna, kaya sa pulitika na lang muna siya.

Gob. Vi pinag-aagawan na ng mga partido

Itong si Gob. Vilma Santos, pagdating sa kanyang karera sa pulitika ay talaga namang wala kang ma­ipipintas. Never niya itong ginawang second prio­­rity. Palaging ito ang prayoridad niya kaya bagaman at marami siyang offer na movies ay hindi niya magawa dahil nga sa napakaabalang schedule niya bilang gobernadora ng Batangas. Nakakagawa lamang siya ng pelikula kapag may panahon siya at naayos niya ang schedule niya. No wonder, malayo pa ang eleksyon, pero pinag-aagawan na siya ng mga partido para gawing kandidato kundi man sa vice presidency ay sa senado. Pero I’m sure, mas gugustuhin niyang tumakbo bilang pangalawang pangulo dahil senador na ang kanyang asawa. Huwag lang sana silang paglabanin ni Sen. Grace Poe dahil pareho silang asset sa pulitika.

Kris may karapatang gumamit ng mga mamahalin

Lagot si Kris Aquino dahil may nag­­-react sa pagpapakita niya ng mga ma­mahalin niyang sapatos sa kanyang Kris TV  gayung marami raw Pilipino ang naghihirap.

In fairness to the presidential sister, pi­nag­hihi­rapan naman niya ang ipinambibili niya ng mga gamit niya. At bago pa naging pangulo si P-Noy, hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na mahilig sa mga branded si Kris. Kaya nga work to death siya. At hindi naman ito luho, talagang kailangan niya sa trabaho niya ang mga binibili niya. Hindi naman siguro ito ipagkakait sa kanya ng mga kababayan niya na marami rin ang tinutulungan niya. Kilala naman si Kris for her generosity, for every­body in general. ‘Dun pa kaya sa mga nangangailangan siya magdadamot?                                              

 

Show comments