Aljur sising-sisi sa ginawa sa Kapuso, nasa Japan para rumaket; Asawa ni Derek walang naisagot sa korte

PIK: Pagdating ng Maynila galing sa taping sa Singapore, diretso agad si Tom Rodriguez sa pictorial ng bagong game show niyang Don’t Lose the Money.

Diri-diretso ang trabaho niya, kaya medyo worried ito dahil wala na raw s­iyang time para mag-ensayo bilang paghahanda sa The Naked Truth Bench Denim and Underwear show sa September 19.

Pero kahit malaki naman ang ipinayat niya, kailangan pa rin niyang mag-workout para lalong gumanda ang pangangatawan.

Medyo kabado siya sa pagrampa na naka-underwear, kaya kailangan daw niyang paghandaan ito nang husto.

PAK: Totoo kayang nagsisisi na raw si Aljur Abrenica at ang kampo nito sa ginawa nilang pagsampa ng demanda sa GMA 7?

Malapit na kasing mawala sa limelight ang Kapuso hunk actor dahil sa hindi na ito visible sa TV.

Masusubaybayan mo lamang si Aljur sa kanyang social media account na kung saan abala siya sa mga out of town shows.           

Ang latest na nabalitaan namin ay nasa Japan ito, rumaraket kasama ang kapatid niyang si Vin Abrenica.

BOOM: Hindi natuloy ang pagsumite ni Mary Christine Jolly ng kanyang reply sa counter-affidavit ni Derek Ramsay.

Kaya ang mga abogado lamang nito ang sumipot para humarap sa Pro­secutor’s office ng Makati.

Dumating din ang lawyer ni Derek na si Atty. Joji Alonzo na nadismaya lang dahil ang buong akala niya ay makakakuha na siya ng kopya ng reply.

Ang ginawa lang nila ay humingi ng extension na pinagbigyan naman ng prosecution. Kaya na-move ang hearing ng September 18, kung saan doon na nila isusumite ang kanilang reply.

Hiniling pa nila sa prosecution na magkaroon ng closed-door meeting sina Derek at Mary Christine at hindi na ipaalam dapat sa media.

Pinagsabihan na rin silang huwag nang magpapa-interview sa media at press. Pinakiusapan na rin ang media na huwag nang banggitin ang pangalan ng anak nina Derek at Mary Christine.

 

Show comments