Jed bilib na bilib kay Darren, isinama sa kanyang concert
Sa susunod na Biyernes na gaganapin ang All Requests 2 concert ni Jed Madela sa Music Museum. Isa sa mga magiging panauhin ng singer ay ang The Voice Kids runner-up na si Darren Espanto. Marami raw kasi ang nag-request na i-guest si Darren sa nasabing concert. Malaki raw ang paghanga ng singer kay Darren dahil magaling talaga ang 13-year old bilang baguhan sa music industry. “Noong nalaman ko he didn’t win, laking reaction ko do’n. I had to post something on Instagram, Twitter, Facebook, which raked in a lot of criticisms din and bashing. Sabi ko, ‘You know what, this is a personal opinion.’ Magaling silang apat. Everybody had their time to shine and everybody who watched them had their choices. Ako ang naging choice ko si Darren,” kwento ni Jed. “It started from there. Talagang pinanindigan ko ‘yung choice ko and I will not apologize for that post. Bilib ako sa bata eh,” dagdag pa niya.
Samantala, niregaluhan pa raw ni Jed ng isang Ipad si Darren at nag-dinner na kasama ang pamilya ng bata kamakailan.
Martin nami-miss ang mga Kapamilya
Mag-aapat na buwan na ngayon mula nang lumipat sa GMA ang dating Kapamilya star na si Martin Del Rosario. Wala naman daw naging tampuhan sa pagitan ng aktor at ABS-CBN kung bakit lumipat ng istasyon si Martin. “Wala namang tampuhan. Okay ‘yung paglipat ko. Okay naman, isa na akong Kapuso and maraming-maraming salamat sa mga sumusuporta sa akin mula noon hanggang ngayon sa paglipat ko,” bungad ni Martin.
Ayon sa aktor ay magbabago na rin daw siya ng image ngayong nakalipat na siya. “Isa na sa career move ko ‘yung pagpapa-sexy. Ready naman ako,” natatawang pahayag ni Martin. “Gusto ko sana ng projects na may mga love interest, ganyan. ‘Yun lang, mga lead. May plans pa pero siyempre hindi ko pa masasabi hanggang hindi pa nagte-taping kasi baka maudlot,” pagbabahagi ng binata.
Pitong taong nanatili si Martin sa ABS-CBN at para sa aktor ay hinahanap-hanap niya ngayon ang mga dating katrabaho. “’Yung mga friends talaga. ‘Yung mga nakatrabaho ko do’n simula no’ng unang-una kong trabaho. ‘Yung nakatrabaho ko sa Minsan Lang Kita Iibigin, sina Coco Martin, Andi Eigenmann, Jake Cuenca, lahat ng mga naka-work ko do’n,” pagtatapat ng binata.
Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest