Zanjoe sa ice bucket challenge lang nakiuso, wedding proposal kay Bea wala pa sa plano

MANILA, Philippines -  Ayaw makiuso ni Zanjoe Marudo sa sunud-sunod na wedding proposal sa showbiz pero aminado naman siyang pinaghahandaan niya sakaling dumating na ang tamang oras na magpapakasal na sila ng girlfriend niyang si Bea Alonzo. “Sa ice buc­ket challenge lang kami nakiuso. Pero pinaghahandaan ko po, pinaghahandaan ko po ‘yung ganoong bagay. Dahil alam ko naman na usung-uso ang mga ganoong bagay. Meron din namang binabagayan ‘yon, ‘di ba?

“Pero hindi naman porke ginagawa ‘yon ng iba, kahit hindi pa ready gagawin mo na. Siguro pagda­ting ng tamang panahon. Mangyayari at mangyayari ‘yon,” sabi ni Zanjoe kahapon sa presscon ng pelikula nilang Maria Leonora Teresa kasama sina Iza Calzado and Jodi Sta. Maria. Closet queen ang role niya sa movie na isang horror.

Jodi tameme sa isyu na magbi-break na raw sila ni Jolo

Speaking of Jodi, walang nakuhang sagot sa kanya nang tanungin kung totoong nagkaka­labuan na sila ni Jolo Revilla. Lately kasi ay may kumakalat na isyung on the rocks daw sila. “I think, hindi naman kaila sa inyo na pagdating sa personal kong buhay ay hindi ko masyadong pinag-uusapan, thank you. I hope you respect that,” sabi ni Jodi na walang date sa gaganaping Star Magic Ball. Busy daw kasi si Jolo eh hindi naman puwede ang kanyang anak na si Thirdy dahil bawal pang mapuyat.

Anyway showing na sa September 17 ang Maria Leonora Teresa na dinirek ni Wenn Deramas for Star Cinema.

Kris pumayag nang maging misis

Aminado ang GMA Artist Center star na si Kris Bernal na madalas siyang ilarawan bilang isang girl-next-door dahil sa kanyang pagganap sa sweet at may pagka-teenybopper na roles.

Ngayon, handa na raw si Kris na talikuran ang ganitong i­mage para sa mas mature na mga proyektong ibibigay sa kanya

Unang nakilala si Kris nang sumali siya sa StarStruck at nagtuloy-tuloy na ang kanyang pagsabak sa showbiz nang hirangin siya bilang Ultimate Female Survivor ng naturang reality artista search.

Lumabas na si Kris sa mga prog­ramang Boys Nxt Door, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Dyesebel, at Luna Mystika bago makuha ang lead role sa hit afternoon soap na Dapat Ka Bang Mahalin, remake ng pelikula nina Sharon Cuneta at Gabby Concepion noong 1984.

Sunod-sunod pa ang mga proyektong ibinigay ng Kapuso Network kay Kris. Ginampanan din niya ang isang Korean-Filipino sa teleseryeng Koreana. Sumalang sa language training si Kris pati na rin sa Korean cooking class para mas lalong mapanindigan ang kanyang role.

 Ipinakita din ni Kris na may ibubuga siya pagdating sa sa­yawan nang bumida ito sa danceserye na Time of My Life.

 Kung versatility naman ang pag-uusapan, napatuna­yan ito ni Kris sa Philippine adaptation ng Korean series na Coffee Prince. Believable ang pagganap niya bilang lalaki sa naturang show at mas pinagtibay pa ito ng head to toe makeover na ginawa sa kanya.

Ngayong Setyembre, muli siyang magbabalik sa primetime television sa pamamagitan ng programang Hiram na Alaala. Kakaiba at mas mature na Kris ang dapat daw asahan sa pinakabagong drama series ng Kapuso Network.

 Makakasama ni Kris sa nasabing proyekto ang multi-awarded actor na si Dennis Trillo at isa sa top leading men ng Kapuso Network na si Rocco Nacino.

“Dito sa show na ‘to, magiging wife ako, magkakaroon ako ng pamilya. I’ve waited for years. Kumbaga ito ‘yung growth na hinihintay ko. Maipapakita ko rito ‘yung ibang atake sa pag-arte,” ani Kris.

Show comments