MANILA, Philippines - Ngayong Sabado (Agosto 30), humanda na para sa isang exciting na umaga dahil dadalhin ng Tropang Potchi ang mga Kapuso viewers sa Myth of the Human Body exhibit sa Pasay City at Dolljoy Museum sa Pasig City.
Samahan ang buong tropa sa kanilang one-of-a-kind learning experience sa phenomenal exhibit ng mga real preserved human bodies na ipinapakita ang misteryo ng buhay. Siguradong mamamangha ang mga Kapuso viewers kapag nasaksihan na nila ang siyentipikong proseso ng kapanganakan hanggang kamatayan.
Maliban sa mga kamangha-manghang human discoveries, ibabahagi rin ng Tropang Potchi ang kasiyahan ng pagiging bata sa pamamagitan ng nakakaaliw na Dolljoy Museum adventure kung saan matatagpuan ang mga iba’t ibang klase ng manika at ipapakita ang paggawa ng mga ito.