Buhay ni Lyca, pumalo sa ratings

MANILA, Philippines - Nananatiling matatag sa TV ratings ang ABS-CBN matapos itong muling manguna noong Agosto sa buong bansa. Pumalo ang average total day audience share nito sa 43%, o walong puntos na mas mataas sa 35% ng GMA, base sa datos ng Kantar Media.

Nangunguna pa rin sila sa primetime (6PM-12MN) sa average audience share na 49%. Napanatili ng Primetime Bida ng ABS-CBN ang panalo nito maging sa iba pang panig ng bansa, partikular na sa Balance Luzon (mga lugar sa Luzon na nasa labas ng Mega Manila) kung saan nakatamo ito ng 52%, sa Visayas (63%), at sa Mindanao (62%). 

Nanguna sa survey ng Kantar Media ang Maalaala Mo Kaya sa average national TV rating na 28.7%. Malaking din tagumpay ang episode nito noong Agosto 16 tampok ang kwento ng buhay ng The Voice Kids champion na si Lyca Gairanod dahil sa napakataas na rating na 38.4%

Wagi rin ang na Ikaw Lamang na pangalawa sa listahan at nagkamit ng 28.4%. Inabangan ng manonood ang pagbubukas ng ikalawang aklat ng teleserye noong Agosto 11 na may 28.1%.

Pinakapinanood din ang Hawak Kamay ni Piolo Pascual na nakuha ng 28.1%. Naabot nito ang all-time high national TV rating na 30.4% noong Agosto 28. Ang ilan pang Kapamilya shows sa top 15 ay ang Wansapanataym, (26.8%) TV Patrol, (26%) Rated K, (24.8%) Home Sweetie Home, (20.7%) Sana Bukas Pa Ang Kahapon, (20.2%) Pure Love, (19.2%) at Goin’ Bulilit (18.7%). Hindi rin nagpahuli rito ang nakakaaliw na programang Mga Kwento ni Marc Logan (17.6%) tuwing Sabado na kakasimula pa lang noong Agosto 9. Kumapit ang mga manonood sa Big Night ng Twitter-trending reality show na Pinoy Big Brother All In (27.9%).

Show comments