Mga Pinoy na manlalaro nagpapakitang-gilas!
Mukhang lahat ng mata ay nakatutok ngayon sa ginagawang laban ng ating koponang Gilas sa ginaganap na 2014 FIBA World Cup. At kahit wala pang panalo ang ating kinatawan sa basketball ay maipagkakapuri pa rin natin sila sa lakas ng loob at galing na ipinamamalas nila sa tatlong laro na ang malalaki at matatangkad ang namamayani. Hindi naman nila tayo pinakakain ng alikabok. Nagagawa naman nating makipagsabayan sa mga nakakalaban.
Huwag tayong mag-ilusyon na baka makasorpresa tayo sa FIBA. Tama na ‘yung namamalas natin ang katapangan ng ating mga player para makipagsabayan sa mga foreign players. Ipagbunyi na lamang natin ang efforts nila. After all, hindi lamang tayo ang nagbubunyi para sa kanila kundi ang mga taga-ibang bansa rin na fans ng basketball at nakikita ang galing at lakas loob ng mga manlalarong Pilipino. Mabuhay ang GILAS!
‘Boy bilisan mo ang pagpapagaling’
Mabuhay ka rin, Boy Abunda sa matapang na pakikibaka mo sa iyong karamdaman. Nakakatuwang malaman na you’re on the road to recovery. Bilisan mo ang pagpapagaling. Hinihintay ka na ng mga manonood mo.
Hinay-hinay na lang next time. Don’t overdo yourself. Hindi mo na kailangan ng masyadong maraming pera. Mas mayaman ang isang taong malusog. Enjoyin mo na lang muna ‘yung mga pinagpaguran mo. Mas magiging masaya ka pa, pramis!
Eraserheads may dalawang bagong kanta
Uy, may bagong kanta ang Eraserheads. At hindi lang ito isa kundi dalawa pa. Buti naman, kasi matagal na ring walang follow-up ‘yung mga hits nila. Tulad ng Huling El Bimbo na pati naman ang kaibigan ko at kasamang kolumnista dito sa PSN na si Veronica Samio ay kinakanta-kanta pa rin. Pero in fairness to her, marunong naman siyang kumilatis ng isang magandang kanta. Excited na nga siyang mapakinggan ang 1995 at Sabado na sa titulo pa lamang ay alam mo nang may pramis.
Kaya boys, start na kayo, dali!!!!
- Latest