Si Enrique Gil ang kapareha ni Julia Barretto nang siya’y i-launch sa Mirabella at ngayon naman ay siya muli ang napiling kapareha ni Liza Soberano sa bagong TV series na Forevermore. Bago sina Julia at Liza, ipinareha rin si Enrique kay Kathryn Bernardo sa The Princess and I kung saan namang unang umusbong ang tambalan nina Katryn at Daniel Padilla. Ipinareha rin si Enrique kay Julia Montes sa Muling Buksan ang Puso.
Mukhang suwerte si Enrique Gil bilang paboritong leading man ng mga bagong ni-launch na teen-stars.
Kring-kring may ibang plinaplano sa 2016
Nakatakda namin maging panauhin ni Kuya Germs (Moreno) ang mag-asawang Tacloban Mayor Alfred Romualdez at Councilor Cristina `Kring-Kring’ Gonzales-Romualdez sa Celebrity Talk segment ng Walang Tulugan with the Master Showman sa darating na Sabado, September 6.
We find it an honor dahil bihirang mag-guest sa telebisyon ang mister ni Kring-Kring na si Mayor Alfred Romualdez who will fly all the way from Tacloban para mapagbigyan kami ni Kuya Germs sa aming paanyaya.
Both Mayor Alfred and Kring-Kring are serving their final term as mayor and councilor ng Tacloban respectively. May mga lumulutang na balita na tatakbo umano sa national position si Mayor Alfred habang si Kring-Kring naman daw ay may plano umanong isulong sa pagka-mayor ng Tacloban na unti-utni na ring nakakabangon sa pagkakalugmok sanhi ng bagyong Yolanda.