Simula kagabi, hindi muna mapapanood sa mga programa ng TV5 si Paolo Bediones. Nag-file ng leave of absence ang magaling na TV host, pero hinihinala ng marami na isa lang itong excuse. Hindi pa magbabalik sa kanyang trabaho ang news anchor hangga’t hindi niya naayos ang kaso niya sa kanyang sex video kahit pa sabihing hindi naman ito kamakailan lang nakunan kundi maraming taon na ang nakakaraan.
Sa pagkawala ni Paolo, walang choice ang namumuno ng news sa TV5 na si Luchi Cruz-Valdez, kundi ang sumalang na rin sa pagbibigay ng balita. Siya ang makakasama ni Erwin Tulfo sa 6-7 action prime news. Sa umaga, sina Lourd de Veyra, Martin Andanar, at Grace Lee ang magbibigay ng balita. Sa tanghali naman ay sina Cherie Mercado at Raffy Tulfo at sa gabi ay sina Martin Andanar muli at Cheryl Cosim.
Sa ngayon kasalukuyang nakikipag-negotiate ang TV5 sa PBA para kahit 15 minutes lang ay mauna sila ng pagbibigay ng balita sa mga kasabayan nilang news program ng dalawa pang major networks. Sa kasalukuyan kasi, dahilan sa pagpasok ng NCAA ay naurong ang prime action news ng 6:30 na kasabay na ng news programs ng ABS-CBN and GMA. Eh, ipinagmamalaki pa naman ng TV5 ay ang pagkakaro’n nila ng isang news program na hindi lamang una sa balita kundi ang pagtatangka nilang makapagbigay ng isang intelligent newscast.
Empress napag-iwanan na ni Joseph
Hindi naman station produced ang seryeng Maynila kaya nagagawag mag-guest dito ng Kapamilya artist na si Empress Schuck. Hindi rin ba station produced ang Magpakailanman na nagtampok kay Gina Pareño sa isang episode kasama ang kanyang anak?
Marami ang nag-aakala na lumipat na sina Gina at Empress ng istasyon dahil sa kaso ni Empress ay matagal nang tapos ‘yung Huwag Ka Lang Mawawala na nagpakilala sa tambalan nila ni Joseph Marco. At hanggang ngayon ay wala pa rin itong kasunod na trabaho. Marami nang nagagawang kasunod si Joseph, pero si Empress ay zero pa rin. Hindi nakapagtataka kung akalain ng marami na lumipat na ito ng GMA. Pero itinanggi ito ng manager ni Empress at nagsabing nag-guest lamang dun ang alaga niya. Taga-ABS-CBN pa rin daw ito. ‘Yun na!
Apo ni Kuya Germs hindi masyadong nabigyan ng importansya ng GMA 7?
Nakita ko na na-feature sa Unang Hirit ang apo ni Kuya Germs na si Gabriel Luis Moreno. Katulad ng kanyang agwelo, humahanga ako sa batang ito dahil kahit puwdeng-puwedeng pasukin ang pag-aartista sa laki at dami ng koneksyon ni Kuya Germs, pero mas pinili nito ang makilala sa mundo ng larong archery.
Marami sa nakapanood sa batang sportsman at nakakita ang nagka-crush sa bagets. Pero disappointed sila dahil bukod sa galing nito sa pagpana ay wala na silang nalaman pa tungkol dito. I’m sure gusto sana nilang malaman kung ilang taon na ito, saan at ano ang pinag-aaralan nito at bukod sa apo siya ng isang sikat na TV host-comedian at pamangkin ng mga magaganda at magagaling na aktres na tulad nina Vina Morales at Shaina Magdayao, wala nang nalaman pa tungkol sa kanya.