Actress adik sa banana que, nakakawalong stick sa isang kainan

MANILA, Philippines -Grabe, nakakaubos pala ng walong stick na banana que ang isang actress. Eight times two ‘yun, kasi dalawang saging sa isang stick ‘di ba? So bale 16 pirasong piniritong saging ‘din ‘yun. At sa isang kainan daw ‘yun ng actress ha. Yup, ganyan daw kalakas kumain ang actress.

Mismong dating kasamahan niyang actor ang naalala ang nasabing kuwento sa actress. Pero ngayon daw ay mukhang nag-lay low na ang actress sa paglamon kaya nabawasan na ang timbang.

Pero grabe hindi kaya siya nu’n nako-constipate? Hahaha. Kalurky.

Anne pang-best actress ang katabaan

Pang-best actress ang acting ni Anne Curtis sa The Gifted. Saktong-sakto sa role niyang si Zoe  Tuason ang ginawa ni Anne. Ganundin din sina Cristine Reyes and Sam Milby na hindi nagpahuli sa kani-kanilang role.

Kuwento ang pelikula ng magka-klase, si Cristine  (Aica Tabayongyong) at Anne (Zoe) at magkaibigan din pero matindi ang nararamdamang inggitan sa katawan. Pareho silang matalino pero mayaman sina Zoe habang mahirap lang pamilya ni Aica. At iisa ang kanilang gustong lalaki (Sam).

Hanggang makatapos sila ng high school at nagkanya-kanyang buhay.

Nagkita uli sila pero magkakaiba na ang hitsura at matagumpay na sa kanilang piniling propesyon - dating mataba si Zoe at panget naman si Aica. Kaya lang kahit natupad na ang kanilang pangarap, hindi nawala ang mga inggit nila sa katawan lalo na si Zoe.

Bida-kontrabida si Anne sa movie kaya lalong lumutang ang galing niya. At parang hindi naka-fat suit si Anne dahil ang ga­ling nang pagtaba niya dahil walang trace na fat suit lang ‘yun.

Bukod sa kakaibang character, sobrang sexy din ni Anne sa movie. Babad ‘yung eksena na suot niya ang gown na ang slit ay parang hanggang waist na.  Sobra. Pero hindi lumabas na malaswa.

Hindi ordinary ang kuwento. Maraming makaka-relate dito lalo na ‘yung matatalino pero hindi kagandahan at mga na-in love pero pinaglaruan.

May major twist sa ending ang pelikula na hindi ko muna ikukuwento. Panoorin n’yo na lang. Showing na ito today.

Written and directed ang The Gifted by Chris Martinez. Graded B ito ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang pelikula.

Balesin nag-react kina Chiz at Heart

Ay, nag-react ang may-ari ng Balesin Island na si Mr. Bobby Ongpin sa isyu na may kinanselang kasal sa Balesin Island  dahil priority daw sina Sen. Chiz Escudero and Heart Evangelista.

Ayon sa statement ni Mr. Ongpin sa Facebook account ng Balesin Island, siya mismo ang nag-imbita na sa kanyang isla na lang pakasal ang magkarelasyon. Besides wala naman daw talagang naka-schedule na kasal sa araw ng mga puso.

Buong bansa naghihintay sa dalawang natitirang laban ng Gilas Pilipinas sa TV5

Matapos ang halos 40 taon na pagkawala sa world basketball stage, nagbalik ang Pilipinas sa hanay ng pinakamagagaling sa buong mundo sa 2014 FIBA World Cup na nagsimula noong Agosto 30 at napapanood ng libre at live sa TV5.

Ipinakita ng Gilas Pilipinas sa unang tatlong laro pa lamang nila na ang galing sa paglaro ng basketbol ay hindi nadadaan sa tangkad ngunit sa pagpupursige at puso na ipinapakita sa laban. 

Marami ang humahanga sa galing na ipinapakita ng ating koponan sa prestihiyosong torneo na ginaganap sa bansang Espanya. Dikit ang mga laban ng Gilas Pilipinas at hindi sila sumusuko hanggang sa final buzzer. Nagpamalas ng liksi si Jason Castro noong laban ng Croatia. Hindi umuurong sa pang-aapi naman si LA Tenorio nung laro versus Greece. Andyan pa ang dakdakan ni Gabe Norwood na gumigising sa mga Pinoy na nanonood sa Seville, Spain.

Siyempre pa, bumilib ang lahat sa bagong naturalized player na si Andrae Blatche sa galing na ipinamamalas nito. 

Siguradong mas marami ang excited mapanood ang laban ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup, na live umeere sa TV5.

May dalawa pang games ang natitira sa schedule ng national team: ang laban kontra Puerto Rico na magsisimula ng 7:30 pm ngayong gabi at ang laban kontra sa team Senegal sa Huwebes, Setyembre 4, ng 8:00 p.m.

Show comments