Isang maipagkakapuri mo sa Pinoy Big Brother (PBB) winner na si Daniel Matsunaga ay ang pagiging maginoo niya. Minsan, below the belt na ang sinasabi ng mga bashers niya, pero never siyang na-provoke. Kung sabagay, ako rin ang manalo ng libreng bahay at lupa at P1M, bakit ko papansinin ang mga bashers ko? Inggit lang sila dahil may iba lang siguro silang bet at hurt pa rin sila na hindi nanalo ang kanilang manok, kaya si Daniel ang napagdidiskitahan.
Sana mangyari na ‘yung mga plano ng ABS-CBN para sa kanya. Para makapagsimula na siya ng trabaho at hindi sabihin na nauunahan siya ng mga tinalo niya sa PBB.
Hindi requirement ang pagiging payat Mega papasang pulitiko
Makikigulo ba si Sharon Cuneta sa pulitika? Galing siya sa isang pulitikong angkan, kaya hindi na pagtatakhan kung sa pulitika rin siya mauuwi. Hindi pa requirement sa isang pulitiko ang pagiging payat kaya okay na ang pangangatawan niya. Kung babalikan niya ang pag-aartista niya ay talagang kakailanganin niyang pumayat. Mahihirapan siyang pumunta sa alin man sa ABS-CBN o GMA, eh, magpulitiko na nga lang siya.
Marami rin namang napasaya, Tia Pusit kailangan pa ng maraming tulong
Kung makakaya nating tulungan si Tia Pusit para makapagpaopera siya, bakit tayo magkakait? Marami naman sa atin ang may sobrang pera, kaunti lamang naman ang kukunin natin para maitulong sa kanya. Kapag pinagsama-sama naman ito ay magiging malaki na rin.
Marami rin namang napasaya si Tia Pusit sa mga pagpapatawa niya noon, kaunting tulong lang siguro ay hindi na natin ipagkakait.