In-announce ni Marian Rivera sa taping niya ng Marian last Friday na two weeks siyang mawawala sa kanyang dance show. Hindi siya magbakasyon, aasikasuhin lang ang mga bagay na may kinalaman sa kasal nila ni Dingdong Dantes sa December 30.
Nalungkot ang fans na for two weeks hindi siya makikita, pero naiintindihan nila si Marian. Less than four months na lang bago ang kasal nila ni Dingdong, kaya pagbigyan n’yo na. Hanggang November pa naman ang Marian, ilang buwan pa ninyo siyang mapapanood sa show.
Hindi sinabi kung sino ang magpi-pinch-hit kay Marian sa dance show niya habang wala siya. Ang hinihintay naman ngayon ng DongYan fans ay kung sino ang gagawa ng wedding gown ni Marian at kung sino ang gagawa ng suit ni Dingdong. Pati ang mga mapipiling ninong at ninang ay hinihintay din ng fans.
Tiya Pusit Ice bucket challenge, P500 lang ang hinihinging donasyon
Totoo ba ang nabasa namin sa social media na may Tiya Pusit Ice Bucket Challenge at ang objective ay makaipon ng P1M para sa operasyon ni Tiya Pusit? Hindi dolyar, kundi P500 pesos ang hinihinging donasyon at sana marami ang sumali para maoperahan na ang komedyana.
Ang kaibahan ng Tiya Pusit Ice Bucket Challenge, sampu katao ang ino-nominate at sana hindi lang taga-showbiz ang ma-nominate para mas mabilis malikom ang P1M. Ipangalan daw ang donation sa anak ni Tiya Pusit na si Christian Uybengkee sa BPI at may savings account number 4239-0591-26.