Feel ni Angelu de Leon na anak niya sa tunay na buhay si Miguel Fanfelix (Niño) at close sila sa isa’t isa.
‘‘Nagtatanong nga siya sa akin kung ano ang pabango na bagay sa kanya,’’ anang aktres.
Inamin din ni Angelu na totoong emosyon ang inilalarawan niya at hindi siya umaarte sa serye nilang magtatapos na, ang Niño. Dama niya ang karakter na ginagampanan bilang ina kaya naibibigay ang tamang pag-arte.
Ayon pa rito isinasama niya ang bunsong anak na dalawang taon at kalahati sa kanyang taping. Kaya nakakapaglaro ito sa damuhan, takbo nang takbo at magkasama pa silang mag-ina.
Gusto niyang maging normal ang paglaki nito. Sakali namang gustong mag-artista ng panganay na anak na babae ay papayagan niya ito. Nasa dugo naman niya ang pag-aartista dahil parehong artista ang kanyang mga magulang.
Bersyon ng Ibong Adarna ni direk Jun makatutulong sa turismo ng bansa
Nag-preview ang pelikulang Ibong Adarna: The Pinoy Adventure na pamilyar na sa mga estudyante ng elementary, high school, at kahit college kaya naiibigan ito ng kabataan.
Ayon sa director na si Jun Urbano, ang pelikula ay mayaman sa kultura ng Pilipinas at close ito sa kanya dahil ang kanyang amang si Manuel Conde ay sumikat at nakilala sa paglikha ng pelikula noon tungkol dito. Sa bersyon niya (direk Jun) ng Ibong Adarna ay kinunan sa magagandang lugar sa Quezon, Cordillera, Batangas, Laguna, at iba pang lugar na nakakatulong para ma-promote ang ating turismo.
Ginastusan ang pelikula ng 22 milyon at gumastos sila ng malaki sa paghahanap ng location at higit sa lahat sa makabagong teknolohiyang ginamit dito.