Chiz at Heart intimate ang gustong kasalan!

PIK: Ang bagong engaged na sina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista ang ifi-feature sa Sarap Diva ni Regine Velasquez ngayong umaga.

Kinahapunan sa Startalk ay sasabihin na ni Heart kung kailan at saan ang wedding nila ni Sen. Chiz.

Sabi ni Sen. Chiz, si Heart daw ang magdi-decide kung ano ang date at ang venue na pagdadausan ng kasal.

Ilang araw din daw kasi na parang nagpu-float daw si Heart pagkatapos ng engagement kaya nakipag-usap daw muna siya sa kanyang coordinator.

Pero mas gusto raw sana niya na very private ang wedding at magbibigay daw sila ng isang araw na party na kung saan doon na imbitado ang lahat na mga taong close sa kanilang dalawa.

Sabi ni Heart: “Kami-kami lang muna siguro ‘yung gusto namin. Kasi mas special sa amin ‘yung dalawa and of course meron kaming isang party na lahat makasali.”

Dagdag ni Sen. Chiz: “Maganda sana ‘yung ganun kesa ‘yung magulong paghahaluin mo ‘yung magulong mundo ng showbiz at pulitika. Hindi na siguro, Mas maganda, mas simple, mas konti, mas intimate.”

PAK: Ang pagpipinta ang isa pala sa nakahiligan ngayon ni Manny Pacquiao. Pero ang kaibahan ng pagpipinta niya ay mga punches niya pala ito na may mga kulay at inilagay sa canvass.           

 “’Yun ang painting sa kung papano ko napabagsak ‘yung mga kalaban ko.

 “Dini-demo ko sa painting, so ‘yun mga ganun.

“Iba-iba ‘yun, pag-paint ng mga suntok na tumama sa kanila. ‘Yun lahat ‘di ko makakalimutan ‘yun. Kasi, kaya ko nga pini-picture ‘yun dahil hindi ko makakalimutan yun.” pahayag ng ating Pambansang Kamao.

BOOM: Hindi pa rin muna nagsasalita ang pa­milya ni Dennis Roldan pagkatapos itong mahatulan ng habang buhay na pagkakulong dahil sa kasong Kidnapping na kinasangkutan ng aktor.

Ang anak niyang si Michelle Gumabao ang nag-react sa mga bashers na kinukuwestiyon ang pagiging pastor ng kanyang ama.

Sinabi lang niya na hindi nila lubos na kilala ang kanyang ama.

Hiningan namin ng mensahe ang pamilya ni Dennis, kaya nagpadala ang kampo nito ng statement mula sa pamilya.

Aniya: “On behalf of the Gumabao family, we would like to thank everyone for their support and prayers. We are everwhelmed with the well-wishes in this challenging time. We also appreciate the respect of the press and media for their privacy for the meantime. God bless.”

Sabi ng anak ni Dennis, magsasalita din daw sila sa tamang panahon.

Show comments