Vice Ganda ipinatawag ng MTRCB
MANILA, Philippines – Matapos makatanggap ng maraming reklamo, ipinatawag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang komedyante at host na si Vice Ganda.
Pinadadalo si Vice sa “mandatory conference” kasama ang mga executive ng “Gandang Gabi Vice” (GGV) dahil sa paghihirit ng mga “double meaning language.”
Sasailalim sa seminar ang host at ang mga staff ng talkshow na umeere tuwing Linggo.
MTRCB calls Gandang Gabi Vice for mandatory conference on alleged "double meaning" language.
- MTRCB (@MTRCBgov) August 24, 2014
Ayon naman sa isang ulat, inabisuhan din ang GGV na iwasang mag-guest ng mga menor de edad.
Samantala, ipinatawag din ng MTRCB ang noontime show na “It's Showtime” dahil sa “armpit humor” na sa paniwala nila ay hindi angkop para sa mga batang nanonood.
MTRCB summons Its Showtime for alleged offensive and demeaning "armpit" humor not fit for very young viewers.
- MTRCB (@MTRCBgov) August 24, 2014
Sinabi ng National Council for Children's Television na “bad example for children” ang naturang palabas.
Natl Council for Children's Television (NCCT) to express concern over alleged bad example to children in It's Showtime hearing this week
- MTRCB (@MTRCBgov) August 24, 2014
It also quoted the National Council for Children's Television, which views the show as “bad example for children.”
Tiniyak naman ng ABS-CBN na susundin nila ang kautusan ng MTRCB.
- Latest