Dapat manahimik na lamang ang aktres na ito na may kinalaman sa hiwalayan nila ng kanyang non-showbiz husband.
Kung may alam ang aktres sa pambababae ng dating mister, may alam din ang ex-husband sa indiscretion ng kanyang dating misis kaya patas sila pero patuloy pa rin ang ngawngaw ng aktres.
May mga common friends ang actress at dati nitong mister ang nakakaalam sa pagiging unfaithful ng actress sa kanyang dating mister kaya wala umanong karapatan ang actress na magmalinis.
Tahimik lamang daw ang ex-husband sa kanilang hiwalayan pero ang aktres naman daw ang ayaw tumigil sa paninira sa dating asawa.
Pumatol umano ang actress sa asawa ng kanyang kaibigan.
Daniel hindi napasikat ng GMA, sa Dos aariba
Kung tutuusin, ang GMA ang nagbigay ng break bilang aktor sa Brazilian-Japanese model na si Daniel Matsuga in 2010 up to 2011 nang siya’y i-cast sa local version ng Koreanovela na The Last Prince na pinagbidahan ng tambalang Aljur Abrenica at Kris Bernal.
Ito’y nasundan pa ng Langit sa Piling Mo, Love Bug Presents: Wish Come True, Grazilda, Machete, at Spooky Nights: Snow White and the Seven Ghosts.
In 2012 to early 2013 ay nasa bakuran siya ng TV5 kung saan naman niya nagawa ang Third Eye, Game `N Go, Futbolilits, Enchanted Garden, at Misibis Bay.
After TV5 ay nakikita ito sa ilang TV guestings sa mga programa ng ABS-CBN tulad ng Kris TV at It’s Showtime. Pero ang pinakamaking break na dumating kay Daniel ay nang siya’y pumasok sa PBB All In nung May 17 bilang celebrity housemate na naging daan para siya ang tanghaling Big Winner.
Si Daniel ay unang umingay ang pangalan nung September 2009 nang siya’y mapabilang sa Cosmo Men ng Cosmopolitan Philippines. Since then, sinubukan niyang mag-stay ng Pilipinas at dito ipagpatuloy ang kanyang karera bilang modelo. The following year, in 2010, dumating naman ang alok ng Kapuso Network sa kanya bilang aktor.
Since wala siyang exclusive contract sa TV network, nakapaglibot si Daniel sa tatlong major TV networks – GMA, ABS-CBN, at TV5. Pero dahil produkto siya ng successful reality show, ang PBB, tiyak na mag-iiba na ang takbo ng kanyang career dahil hindi na siya pakakawalan ng Kapamilya Network.
Ang 25-year-old model-turned actor ay may nakatatandang kapatid na si Vanessa Matsunaga na isa ring modelo na artistahin din ang hitsura.
Brazilian ang ina ni Daniel at Japanese naman ang kanyang ama.
Christian pabor kina Mark at Rachelle Ann
Okey lamang kay Christian Bautista kung ang dalawa niyang mga kaibigan at kapanabayan na sina Mark Bautista at Rachelle Ann Go ang magkakatuluyan ngayong parehong nasa London ang dalawa for their respective West End musical plays. Si Rachelle Ann, sa revival ng Miss Saigon at si Mark naman sa rock-musical play na Here Lies Love na may kinalaman sa love-affair nina dating Pangulong Ferdinand Marcos at First Lady Imelda Romualdez-Marcos.
Unknown to many, unang pinormahan ni Mark si Rachelle Ann nung nagsisimula pa lamang sila pero agad itong naputol dahil sa pag-ayaw ng ina ni Rachelle Ann dahil mga bata pa sila at nagsisimula pa lamang sa kanilang karera.
Bago umalis patungong London si Mark ay naging panauhin namin ito ni Kuya Germs (Moreno) sa aming Celebrity Talk segment ng Walang Tulugan with the Master Showman at nag-dinner din ito sa Toki Japanese restaurant sa Bonfiacio Global City kung saan namin siya tinukso kay Rachelle Ann.
“Puwede,” aniya.
“Everything naman is possible laluna’t pareho kaming malayo sa aming mga pamilya at kaibigan at malungkot mag-isa sa London,” dugtong pa ng tsinitong singer-actor.