^

PSN Showbiz

Heart nasa uso na rin!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi ngayong 2014 kundi sa susunod na taon magaganap ang pinakaaabangang kasalan nina Senador Chiz Escudero at ng artistang si Heart Evan­gelista. Bagaman at ang marriage proposal ng mabunying senador sa kanyang nobya kamakailan, habang nasa bakasyon ang dalawa sa Sorsogon kasama ang ilang mga kaibigan nila tulad nina Lovi Poe at ang boyfriend nito na si Rocco Nacino, Alessandra de Rossi, at iba pang malalapit na kaibigan, hindi maaring ngayon na agad ang kasalan. Ibinigay na dahilan ni Senador Chiz ang maraming mahahalagang bagay na inaasikaso pa niya at nangangailangan ng kanyang atensyon bago siya malibre at maibigay ang lahat ng kanyang panahon sa mahalagang okasyon sa buhay nila ng aktres.

Hindi binili sa alinmang tindahan ng alahas ang singsing na ibi­ni­gay ng senador sa kanyang nobya. Isang heirloom o singsing na ma­tagal nang nasa pamilya ang tinanggap ng aktres mula sa kanyang mapapangasawa kasabay ng marriage proposal nito.

Ngayon siguro ay wala nang mang-iinggit pa kay Heart na napag-iiwa­nan siya ng mga kapwa niya celebrity na tumanggap ng bonggang marriage proposal mula sa kanilang mga nobyo.

ALS awareness mabilis kumalat, mga sikat nagpapabuhos ng tubig na may yelo

Nagkahawa-hawa na at naging uso na sa mga kilalang tao ang pumapa­yag na tumanggap ng ice bucket challenge para mapalaganap ang awareness tungkol sa isang uri ng sakit. Ito ang ALS na tumatama sa ating nervous system at wala pang nahaha­nap na lunas na nadidiskubre magpasa-hanggang ngayon. Ang pagbubuhos ng tubig na malamig na may kasamang yelo ay sumisimbolo sa panginginig na nararamdaman ng nagtataglay ng sakit na ALS.

Mukhang mas mapapabilis ang awareness ng tao sa nakaka­takot na sakit lalo na’t mga sikat na tao ang nakikitang tu­­matanggap ng challenge sa pagpayag na ma­buhusan sila ng yelo at tubig na ma­lamig. Ba­ga­man at kapag pu­mayag ang sinuman na guma­wa ng ice bucket challenge ay hindi na sila da­pat magbigay pa ng cash do­nation, lahat nang nakita natin at napanood na nagbasa ay nagbigay pa ng donasyon na ang pinakamababa ay $100 o ang katumbas nito sa apat na libong piso. Ilan sa tu­manggap ng challenge ay ang mga news anchor ng ABS-CBN na sina Noli de Castro, Korina Sanchez, Karen Davila, Anthony Taberna, Doris Bigornia, Mario Dumaual, Pinky Webb, at ang mga artistang sina Vice Ganda, Kris Aquino, Anne Curtis, Billy Crawford, at Coleen Garcia, James Reid, Nadine Lustre, direktor Bobet Vidanes, Aga Muhach, Apl.de.Ap, maging ang manunulat sa TV na si Darla Sauler, at marami pang iba.

Umangat na, Alden dala-dalawa ang leading ladies

Wala talagang tigil ang pagda­ting ng swer­te kay Alden Richards. Matapos ang ma­ta­gumpay nilang pagpapareha ni Marian Rivera sa teleseryeng Carmela ay co-host naman siya ni Regine Velasquez-Alcasid sa isang talent search na isasagawa ng GMA 7. Kasalukuyan pang nagbibigay ng audition ang Kapuso Network sa mga probinsya na paminsan-misan ay dinadaluhan ng batang aktor.

Ngayon naman ay napili siya ng network para paganapin sa role na Jose Rizal sa isang bayani-serye na magtatampok sa biyahe sa Europa ng ating Pambansang Bayani na pinamagatang Ilustrado. Dala-dalawa ang leading ladies niya, sina Kylie Padilla na gaganap bilang Leonor Rivera at Solenn Heussaff bilang Josephine Bracken.

AGA MUHACH

ALDEN RICHARDS

ANNE CURTIS

ANTHONY TABERNA

BILLY CRAWFORD

BOBET VIDANES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with