PIK: Umiiwas muna sa interview ang bagong engaged na sina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista.
Maraming magagandang bagay na dumating sa buhay ni Heart at ini-enjoy daw muna niya ito sa ngayon.
Okay na nga sila ng magulang niya lalo na ang mommy niya, at ipinost pa nga niya sa kanyang Instagram account na okay na silang mag-ina.
Sa Startalk ibabahagi lahat ni Heart kasama si Sen. Chiz, at malamang doon na nila ia-announce kung totoong sa kaarawan ni Heart sa Valentine’s day next year ang kasalan.
PAK: Matagal na palang may problema ang actress-TV host at ang non-showbiz husband niya kaya hindi sila madalas na nakikitang magkasama.
Si husband ay abala sa kanyang trabaho, pero nang naging active si actress-TV host sa kanyang showbiz career, lalong lumalala raw ang kanilang problema. Pero nilinaw ng kampo ni actress-TV host na hindi pa talaga sila hiwalay.
Pinipilit daw nilang ayusin, at nakatakdang dumating galing ibang bansa ang asawa niya at magkakausap daw sila para maayos at magawan ng paraang maisalba ang kanilang relasyon.
BOOM: Kahapon ay nag-utos si Judge Bernard Bernal ng Branch 74 ng Taguig Metropolitan Trial Court na magharap sina Vhong Navarro at ang mga nakakulong na akusado na sina Cedric Lee, Denise Cornejo, at Zimmer Raz kaugnay sa kasong Grave Coercion at Serious Illegal Detention na patuloy pa ring dinidinig. Ito ang Judicial Dispute Resolution na ang magpi-preside ay si Judge Tamang ng Branch 73 ng Taguig MTC.
Kahit sa nakaraang Mediation ay hirap si Vhong na harapin ang mga akusado dahil malabo naman talagang magkaroon ng settlement. Pero kailangan pa ring pagharapin sila uli ng korte kaya nagkaroon ng Judicial Dispute Resolution.
As of presstime, hindi pa nasimulan ang JDR pero sinabi ng abogado ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga na kailangan niyang humarap.
Alam daw niyang hirap si Vhong na harapin sila uli dahil nandiyan pa rin ang trauma na nararamdaman niya, pero kailangan daw niyang sundin ang utos ng korte.