Kamakailan ay napabalitang nagkakamabutihan na diumano sina Phil Younghusband at Bangs Garcia. Si Phil lamang ang nagbigay ng pahayag noon at inamin naman ng binata na ‘hanging out’ daw sila ng aktres. “Ayoko kasi ng masyadong pinag-uusapan eh. Nawawala ‘yung spark but it’s true that we are hanging out. We are getting to know each other well. We cherish every moment eh. Sobrang okay kasi kami, sobrang click kami,” pagtatapat ni Bangs.
Kahit hindi kaagad nagsalita ang aktres tungkol sa kanila ng football superstar ay wala naman daw silang itinatago sa publiko. “We are going out, we’re not hiding. We always go to the malls. We always eat out. We go to Baclaran and we love going to videoke. We love singing. Mahilig kami manood ng sine. Actually a lot of people see us outside. We are not hiding anything,” kwento ng dalaga.
Ayon kay Bangs ay ilang taon na rin silang magkakilala ni Phil. Matatandaang si Angel Locsin ang huling naging kasintahan ni Phil habang si Bangs naman ay isang non-showbiz guy ang karelasyon noon. “Magkaibigan ‘yung mga ex namin. Well siyempre kahit na nandiyan ‘yung mga ex namin nag-uusap na kami. Okay kami, nag-uusap kami but we never texted each other at that time until this year. So nagulat kami that we clicked so much. Parang we have so much things in common. Kaya nga sabi ko para kaming mag-best friends talaga eh. We can talk anything under the sun. We can just keep on talking the whole day, as in. Of course with the company of his sister and our friends. Marami kaming common friends,” pagdedetalye ni Bangs.
Wala rin daw problema sa aktres kung magkasalubong or magkita sila ni Angel minsan. “Angel and I are friends and she’s happily with Luis (Manzano), who’s also my friend. Deadma, I don’t care,” giit ni Bangs.
Daniel masaya para kina Heart at Chiz
Nagbigay ng reaksyon ang Pinoy Big Brother All In Edition Big Winner na si Daniel Matsunaga tungkol sa engagement nina Heart Evangelista at Chiz Escudero na naganap kamakailan. Naging magkasintahan sina Heart at Daniel ilang taon na ang nakararaan. “Okay lang, masaya ako para sa kanila,” matipid na pahayag ni Daniel.
Nalaman daw ng binata ang tungkol sa nasabing engagement mula kay Alex Gonzaga.
Samantala, malaki ang pasasalamat ni Daniel sa lahat ng mga sumuporta sa kanya sa nasabing reality show. “Maraming salamat po for all the love. I’ve never felt like this in my whole life. Dahil sa inyo nandito ako and I’ll be here forever. Maraming-maraming salamat. Mahal ko kayo,” pagtatapos ni Daniel. Reports from JAMES C. CANTOS