^

PSN Showbiz

Ibang local celebrities nagagamit ang ice bucket challenge sa publicity

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN:   Third runner up lamang si Jane Oineza sa  Big Night  ng PBB All in ng ABS-CBN dahil si Daniel Matsunaga ang idineklara na Big Winner. Bigo si Jane na makamit ang pinakamimithi na title na puwedeng makatulong upang sumigla ang matamlay na takbo ng kanyang showbiz career.

SCENE:  Kinabuwisitan na panoorin sa Big Night ng PBB All in ang former PBB housemates na sina Joj at Jai na super project at hindi maintindihan ang mabilis na pagsasalita.

SEEN: Ang depensa ng kampo ni Daniel Matsunaga na nanalo siya sa PBB All in dahil sa teamwork at hindi dahil scripted ang pagsali niya sa reality show ng ABS-CBN.

SCENE: Ang panalo ni Daniel Matsunaga sa PBB All in ang sumapaw sa balita tungkol sa wedding engagement ng kanyang ex-girlfriend na si Heart Evangelista kay Senator Chiz Escudero.

SEEN: Gamit na gamit ng local celebrities na publicity hungry ang ALS ice bucket challenge. Second rate trying hard copycats sila ng mga sikat na Hollywood personality.

SCENE:  Sinuportahan kahapon ni Robin Padilla ang anti-pork rally sa Luneta Park. Dinalaw rin ni Robin ang Andres Bonifacio Shrine sa  tabi ng Manila City Hall.

SEEN: Uumpisahan ni Robin Padilla sa linggong ito ang shooting ng Bonifacio movie na official entry niya sa 2014 Metro Manila Film Festival.

SCENE: Nakapikit ang mga mata ni Aljur Abrenica sa billboard ng  product endorsement niya na inihahalintulad sa estado ngayon ng  kanyang showbiz career.

 

 

ALJUR ABRENICA

ANDRES BONIFACIO SHRINE

BIG NIGHT

BIG WINNER

DANIEL MATSUNAGA

HEART EVANGELISTA

JANE OINEZA

ROBIN PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with