MANILA, Philippines - Pinangalanang Big Winner ng Pinoy Big Brother All In ang Brazilian-Japanese model na si Daniel Matsunaga matapos magtala ng pinakamalaking porsiyento ng net votes sa PBB All In: The Big Night noong Linggo (Aug 24) sa Resorts World Manila.
Nadaig ni Daniel ang ibang teen, regular, at celebrity housemates ng makasaysayang edisyon . Nakakuha siya ng 11.69% na net votes nang ipagsama ang kanyang 18.52% ‘votes to save’ at -6.83% ‘votes to evict.’
Nang tanungin kung bakit sa tingin niya’y binoto siya ng mga manonood, maluha-luhang sinabi ni Daniel, “Sa tingin ko dahil mahal na mahal ko kayo. Some people would think na hindi ako Filipino, pero I am so much more proud to be a Filipino at heart than many others out there na hindi proud sa country,” sabi ni Daniel na unang napanood sa mga show ng GMA 7.
“I’m thankful, first to God, who gave me this opportunity. One day sinabi Niya sa akin na I have a purpose rito sa Pilipinas, and I guess this purpose is today. Mahal na mahal ko kayo,” dagdag pa niya.
Tinaguriang Hunk of the World ng Makati si Daniel nang pumasok siya sa sikat na Bahay ni Kuya noong Mayo sa unang live eviction ng PBB All In. Bilang Big Winner, nagwagi siya ng P1 milyon, tatlong business franchise, Asian tour for two, at isang bagong condominium unit.
Pinangalanan namang 2nd Big Placer at nanalo ng P500,000 ang teen housemate na si Maris Racal, na nakatanggap ng 3.1% net votes. Sumunod ang aktres na si Jane Oineza ang bilang 3rd Big Placer na may -0.73% net votes, habang ang regular housemate na si Vickie Rushton ang naging 4th Big Placer na may -0.78% net votes. Nakakuha sina Jane at Vickie ng P300,000 at P200,000. Wagi naman ang Big Four housemates ng home entertainment package.
Pinangunahan nina Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez, John Prats, at Robi Domingo ang Twitter-trending na Big Night, na nagtampok din sa PBB alumni na sina Kim Chiu, Sam Milby, Melai Cantiveros, Jason, Francisco, Ejay Falcon, Matt Evans, Alex Gonzaga, celebrities na sina Joseph Marco at Tutti Caringal, at ang lahat ng ex-PBB All In housemates.
Naging makasaysayan ang PBB All In dahil sa pagpapakilala nito ng ilang housemates sa iba’t ibang Kapamilya programs bago ang aktuwal na kick-off, ang pagdaraos ng huling eviction night isang araw bago ang Big Night, at ang sama-samang pagtira ng 19 teen, regular, at celebrity housemates.
Anyway, expected na talagang mananalo si Daniel dahil suportado naman talaga siya ng mga kaibigan niya. Imagine kasama sa mga nangampanya para iboto ay sina Kris Aquino and Anne Curtis. There was time ‘di ba na na-link si Daniel kay Kris?
Ang bait naman daw kasi talaga ni Daniel kaya hindi lang pala for PBB ang ipinakita niyang kabaitan.
Nagbubunga talaga ang pagiging mabait ‘no? Ibig sabihin kaya nito mas mababait ang mga Brazilian kesa sa mga Pinoy na karamihan ay walang disiplina at mas attitude.
Anne welcome na sa samahan ng magagaling at beteranong singer
Walang problema sakaling gustong maging member ni Anne Curtis ng OPM (Original Pilipino Music). Mismong si Mr. Noel Cabangon, isa sa prime movers ng OPM at chairman ng Filipino Society of Composers, Authors and Publishers (FILSCAP), ang nagsabi na kung gusto ni Anne, iimbitahan nila ang actress/TV host na sumikat ding ‘singer/concert artist.’ “Qualified si Anne,” sabi ni Mr. Cabangon kahapon sa launching Pinoy Music Festival, isang araw ng celebration ng Pinoy music na gaganapin sa September 5 at the Ayala Triangle Gardens kung saan mapapanood mag-perform ang mga kilalang local singers.
Bukod kay Anne, gusto rin nilang imbitahin si Vice Ganda. Maging sina Wally and Jose, ay puwede rin nilang imbitahin.
Mga magagaling at beteranong singer ang members ng OPM.
So willing kayang sumali sila Anne, Vice at iba pa?
Isa na si Daniel Padilla sa mga kabataang singer na member ng OPM.
Kilala ring idol ni Presidente Noynoy Aquino si Noel at madalas itong nag-attend ng gig niya?
So invited ba siya sa PMF na gaganapin sa September 5 sa Makati? “We will be honored to have him during the festival because that will also signify the support of the government,” sabi ni Mr. Cabangon. Teka attend kaya si Presidente, eh teritoryo ng mga Binay ang lugar sa Ayala Triangle.