MTRCB may tatlong pakontes para sa kanilang ika-29 anibersaryo

MANILA, Philippines - Sa taong ito ipagdiriwang ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang ika-29 anibersaryo ng kaniyang pagkatatatag. 

Bilang pagpapatuloy sa mandato nitong itaguyod at protektahan ang pamilya, kabataan, kababaihan, at iba pang sektor ng lipunang nangangailangan ng kaukulang pagkalinga sa larangan ng media at entertainment, ang kasalukuyang Board ay masidhing naglalayong bigyang-kapangyarihan ang pamilyang Pilipino at ang bawa’t miyembro nito, kabilang na ang mga “kasambahay” para suriin at matalinong piliin ang nilalaman ng media.

Noong 14 Agosto 2014, nasimulan ang pagdiriwang na ito sa pama­magitan ng paglunsad sa press na ginanap sa MTRCB Board Room ng malaking aktibidad tungo sa ikalawang Family and Child Summit.

Patuloy na isinulong ng Board ang mga pagbabagong ginawa sa ahensya ang mga pagkukusang maitaguyod ang isang value-oriented media at entertainment culture.  Sa taong ito, maglulunsad ng tatlong (3) aktibidad: Patimpalak sa Paggawa ng Poster (Poster-Making Contest), Patimpalak sa Paglikha ng Jingle (Jingle-Writing Contest) at ang Children’s Mini Film Festival, na gagawin bago dumating ang itinatakdang Summit.  Bukas ang aktibidad na ito sa iba’t ibang stakeholder partikular na sa mga bata.

Ang Poster-Making Contest sa pakikipatulungan ng National Council for Children’s Television (NCCT) ay ga­ganapin sa 29 Agosto 2014 sa Albergus Open Court, Lungsod ng Quezon.  

Ang finals para sa Jingle-Writing Contest ay sa 24 Oktubre 2014. Ang magsasara ng pagdiriwang ng ani­ber­saryo ay ang ikalawang Family and Child Summit sa 8 Nobyembre 2014 na gaganapin sa GT-Toyota Asian Cultural Center.

Patuloy na nagsisikap ang MTRCB para ang mga ratings ay maibaba nang lubos sa pinakamababang antas ng lipunan, upang ang bawa’t Juan at Juana ay mapahalagahan ang sistema ng pagsusuri ng mga nilalaman ng pinapanood. 

Sa ilalim ng magkatuwang na pamantayan ng age-appropriateness at audience-sensitivity, ang bawa’t ma­gulang o ang isang responsiblent nakatatanda ay magiging handa para maunawaan ang anumang libangan at kaalaman na panonoorin ng mga bata.

 

Show comments