Ang lakas ng cheer ng audience para kay James Reid at maging sa ka-partner niyang si Nadine Lustre sa sinehan na pinanooran ko ng pelikulang Talk Back and You’re Dead na Daniel Padilla-Kathryn Bernardo ang peg dahil hindi pa nalalaunan maipalabas ang She’s Dating the Gangstar heto ang movie ng bagong tambalang tinitilian at kaparehung-kapareho ng movie ng itinuturing na Teen Royalty. ‘Yun nga lang mas mukhang gangster si James kaysa kay Daniel at mas maswerte dahil ilang ulit niyang natikman ang labi ni Nadine. Akala ko rin love triangle ‘yon kasama si Joseph Marco, pero ni hindi siya naging panggulo sa tandem ng dalawa, kabarkada lang siya ng character ni James. He also gets the chance to kiss Nadine on the lips na pagkaganda-ganda at napaka-sexy sa despedida de soltera scene niya.
Napakaingay ng mga manonood na nangyayari lamang sa mga premiere nights. Bawat eksena ay may reaksyon sila, lalo na sa kissing scenes ng dalawa at maski na nung nagluluto si James at naka-apron lamang. Ang dami sa kanila ang obvious na inulit panoorin ang movie dahil alam na nila ang mga kasunod na eksena. Hindi rin sila umalis ng sinehan hanggang hindi ipinalalabas ‘yung eksena na nagsasabing may kasunod na pelikula ang second team up ng James-Nadine, ang Talk Back And You’re Dead na talagang pinalakpakan at ipinagbunyi ng audience.
Albie walang binatbat sa ugali ni Robin
Napakalaki ng pagkakaiba ni Albie Casino kay Robin Pailla. Bukod sa estado nila bilang artista, si Binoe walang tinatanggihang anak. Kahit pa hindi niya totoong anak kapag ipinaangkin sa kanya ay tinatanggap niya. Si Albie ay hanggang ngayon ay ayaw i-acknowledge man lamang ang anak ni Andi Eigenman na sinasabing kanya. At kung si Andi ay ayaw siya ni makasama man lamang ganundin naman si Albie na maski na ang ina ni Andi na si Jaclyn Jose ay ayaw niyang makita o makaharap man lamang sa trabaho. Muntik na niyang tanggihan ang role sa isang movie dahil kasama sa cast si Jaclyn. Pumayag lang siya nang sabihan siya ng direktor ng pelikula na wala silang eksena na magkasama ng kanyang biyenang hilaw.
niya.
Pagkapanalo ni Daniel kay Maris hindi kataka-taka
Obviously, ang daming supporter ng Brazilian-Japanese hunk na si Daniel Matsunaga na nagluklok sa kanya bilang kauna-unahang non-Filipino na nanalo sa reality search na may franchise sa bansa para sa mga Pilipino. Ang pagkapanalo ni Daniel proves na tanggap siya ng mga manonood bilang isang Pinoy kundi man sa dugo ay sa puso naman. Malakas na pagbubunyi ang narinig nang iproklama siyang Pinoy Big Brother All In winner. It was the first time na naging guwapung-guwapo ang tingin ko sa matagal nang nagtatangkang may maabot sa local showbiz, pero sabi nga niya, may purpose ang pagtitiyaga niya sa bansa, at sa PBB lamang niya nakita kung ano ‘yon. Bagaman at si Maris Racal ang naging bet ko para manalo, wala akong tutol nang talunin siya ni Daniel na nagpamalas ng kabaitan at pagiging “kuya” ng lahat sa loob ng PBB house.