Natawa ang entertainment press sa sagot ni Quezon City Mayor Herbert Bautista kung bakit ayaw siyang gawan ng pelikula ng mga kapatid na sina Hero Bautista at Harlene Bautista-Sarmenta na nasa likod Heaven’s Best Entertainment movie production.
Ayaw daw siyang gawan ng pelikula dahil ang last movie niyang Raketeros ay nag-flop. Ayaw na raw malugi ng mga kapatid, kaya ibang artista ang kinukuha sa mga pinuprodyus na pelikula. May comment din si Mayor Herbert sa ibang movies ng Heaven’s Best, hindi namin isinulat at baka may magtampo kay Mayor sa mga bida ng prinudyos na pelikula ng mga kapatid.
Inayawang game show ni Goma, sinalo ni Tom
Magsisimula nang mag-taping bukas si Tom Rodriguez sa iho-host na game show na Don’t Lose the Money. Solong host ang aktor sa game show at wala pala siyang co-host gaya nang nabalita at sa September ang airing nito.
Sobrang excited si Tom sa bagong show na ibinigay ng GMA 7 sa kanya dahil ibang talent naman niya ang ipakikita. Kundi Saturday ay Sunday ang time slot ng Don’t Lose the Money, na walang conflict sa My Destiny.
Kundi kami nagkakamali, unang na-consider si Richard Gomez na mag-host ng game show, kaya lang, natagalan bago naayos ang franchise kaya tinanggap ni Richard ang offer ng TV5 na mag-host ng Quiet Please! Bawal ang Maingay.
Samantala, hinihintay na sina Tom, Carla Abellana, Miguel Tanfelix, Betong, at Julie Anne San Jose sa Redondo Beach, California sa event ng GMA Pinoy TV. Excited na ang TomCar fans na makita ng personal ang favorite love team nila.
Serye nanganganib sibakin dahil sa bidang nagpapanggap na may sakit
Wala pa kaming natatanong sa production staff ng isang soap kung totoong maka-cut short ang airing ng soap dahil naging pasaway ang isa sa mga cast. Hindi raw nagko-cooperate ang cast member na ito sa promo ng soap.
Sa isang mall show ng cast, last minute na nagpasabi ang manager ng aktres na hindi makakasama ang talent niya dahil may sakit. Walang magawa ang production kundi tanggapin ang inirason ng manager.
Pero bago pa makaalis ang cast para sa mall show sa isang bayan malapit sa Metro Manila, biglang nag-text ang manager ng aktres at sabi’y makakasama na ang aktres sa mall show dahil gumaling na sa sakit. Nagulat man ang production staff dahil ang bilis gumaling ng aktres sa sakit, wala pang isang oras after ng unang text na may sakit ang talent, biglang gumaling ang aktres.
Ayaw isipin ng production staff na may kinalaman ang pagbabago ng isip ng manager at ng aktres dahil nabalitaang kasama sa mall show ang isa pang bida ng soap na karibal ng aktres.
Sa mall show, parang hindi nagkasakit ang aktres dahil sobrang sigla ito at panay pa ang sayaw at kanta. Napangiti na lang ang production staff dahil obvious na wala talagang sakit ang aktres at ayaw lang mag-mall show.
Mane ayaw nang makipaglaplapan kay Janno
Sigurado si Manilyn Reynes na hindi mangyayari sa married life nila ng mister niyang si Aljon Jimenez ang pinagdaraanan ng karakter nila ni Janno Gibbs sa My BFF na laging may problema dahil sa babae.
Masuwerte raw siya sa asawa dahil mabait na, hindi pa babaero, kaya hindi niya dadanasin ang problema ng karakter niyang si Lyn sa My BFF. Sa loob ng 21 years na pagsasama nilang mag-asawa, never pa silang nag-away dahil sa babae at umaasa si Manilyn na hindi nila ito pag-aawayan.
Careful din naman si Manilyn sa mga eksena sa mga ginagawa niyang project. Up to now, hindi pa rin siya gumagawa ng kissing scene at ang kissing scene nila ni Janno ay daya. Hindi naman daw kailangang totohanang kissing scene dahil pampamilya ang show at bata ang target audience nila.