Malapit nang simulan ang pelikulang Feng Shui na pinagbibidahan nina Kris Aquino at Coco Martin. Excited na raw si Kris na muling makatrabaho si Chito Roño na siyang direktor ng pelikula.
Kilala naman daw ni Coco bilang masungit ang direktor. “Hindi siya masungit. I’ll defend him. He’ll love Coco kasi sobrang professional si direk. Ang rules lang niya, bawal ang cellphone on the set. When you’re on the set dapat naka-focus ka ng 100%. Bawal ang maingay so hirap na hirap ako do’n sa bawal ang maingay,” natatawang pahayag ni Kris. “Tapos ‘yung bawal magdala ng ibang trabaho kasi dapat galangin mo na kung ano character mo dadalhin mo. Pero parang si Coco naman ‘yun eh. Parang tailor-made naman sa kanya ‘yung characterization,” dagdag ng aktres.
Hindi na raw nakararamdam ng pressure si Kris sa rami na ng kanyang nagawang horror movies. “Kasi parang sobra ‘yung kumpiyansa ko kay direk Chito, ‘yung kumpiyansa ko do’n sa material. ‘Yung script kasi excited silang lahat, sobra nilang pinapaganda. Tapos lahat naman ng mga death scenes, kasi ‘yun naman ‘yung mga inaabangan natin. Ang ganda, nakakatuwa. I think also kasi ang horror also needs to appeal to the male audience at ‘yun ‘yung dadalhin ni Coco. Parang ‘yun ‘yung pinagdadaanan din ng mga kalalakihan,” pagdedetalye ni Kris.
‘Hindi gano’n kadali ang magpapayat to be honest’ - KC
Nagsalita na si KC Concepcion tungkol sa pinagdaraanan ngayon ng inang si Sharon Cuneta. Sinasabing dumaan daw sa mid-life struggle ang Megastar. “Nag-uusap kami ni mom and wala naman siyang na-mention sa akin na problem. Masaya nga ‘yung talk namin sa phone no’n,” bungad ni KC.
Malaki raw ang pasasalamat ni KC kay Judy Ann Santos sa pagiging malapit na kaibigan ng kanilang pamilya. Hanggang ngayon kasi ay madalas na magkita at magkasama sina Sharon at Judy Ann. “I am very thankful that Ate Juday has always been there for my mom. Sincere siya sa friendship niya and she’s part of our family. Like ate Juday, me, our family, friends and her loyal fans are all behind her 100%. Kaya niya ‘yan,” nakangiting pahayag ni KC.
Naniniwala raw ang dalaga na ang ginawang open letter ng ina ay para sa lahat ng tagahanga na patuloy na sumusuporta rito. “I feel na that open letter is Mom’s way of letting her fans know that she still here, and she still cares for them. Sa lahat ng ginagawa ng mom ko, she always remembers her fans and wants them to be happy. It’s her way of saying she has not forgotten them. Her struggle to get back in shape is a long process, hindi naman gano’n kadaling magpapayat to be honest,” paliwanag ni KC. Reports from JAMES C. CANTOS