Riot ang nabasa naming reaction ni director Wenn Deramas sa basher na nag-comment ng hindi maganda sa pelikula niyang Moron 5. Sabi ng basher, pangit na nga ang unang Moron 5, bakit kailangang pang gawan ng part 2.
Kaaliw ang sagot ni direk Wenn to check the basher’s childhood, pero mas aliw ang sinabi nitong walang pakialam ang basher kung gumawa man sila ng sampung serye dahil hindi nila hinihingian ng perang pamproduce ang basher.
Dagdag pa ng director na “Dahil sa laki ng binabayaran kong buwis, buwan-buwan, taun-taon, sigurado ako na kahit ikaw ay nakikinabang jan. Kaya magpasalamat ka pa rin sa kakornihan ng trabaho ko.”
Nag-suggest din si direk Wenn sa basher na magsulat at magdirek siya para makita kung kaya niya ang trabaho. Ang pinakakuwela sa sagot ng director ay ang sinabing patulera siya sa mga inutil na basher.
Anyway, ang Viva Films pa rin ang producer ng Moron 5 at bida pa rin sina Marvin Agustin, Billy Crawford, Luis Manzano, pero wala na si Martin Escudero at ipinalit sa kanya si Matteo Gudicelli.