^

PSN Showbiz

Daniel minamanok ng mga kapwa housemate na manalo

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Sa rami ng mga naging kasamahan ni  Daniel Ma­tsunaga sa PBB All In na nagsabing gusto nilang ma­nalo ang Brazilian-Japanese hunk, sino ang makapagsasabi na baka matupad ang wish nila although si Daniel mismo ay boto kay Vickie  Rushton na manalo kung hindi siya maiboboto.

At this point, oras na lang ang hinihintay at malalaman na natin kung sino ang mananalo sa pinakasinusubaybayang reality search ng bansa.

Makakahinga na rin nang maluwag si Jason Abalos dahil wala naman palang threat sa girlfriend niya si Daniel. Talagang friendship lang ang relasyon ng dalawa. Pero siya rin kaya ay naniniwalang dapat manalo si Daniel kung hindi si Vickie ang palarin?

‘Anak’ ni Bossing nagbabalik-TV

Isa pang de Leon ang susubok gumawa ng malaking pangalan bilang artista. Siya si Isabella o Isabelle de Leon, nagmarka bilang si Duday na anak ni Vic Sotto sa Daddy Di Do Du. Pero mas matatandaan  siya  ng  lahat bilang ang batang  may diperensya at palaging pasan sa likod ng kapwa rin niya bata na si Jiro Manio na gumanap bilang kapa­tid niya sa Magnifico. Pareho silang dalawa ni Jiro ang nag-uwi ng award para sa kanilang mga naging role sa nasabing pelikula.

Matagal nawala sa eksena si Isabella dahil ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral. Lumitaw lamang siya nang mag-promote siya ng kanyang unang album. Nagulat nga ang maraming nakakita sa kanya dahil lumaking isang magandang dalaga. Muli siyang nawala at bumabalik lamang makaraan ang isa pang taon dahil kasama na siya sa cast ng isang TV5 musical, ang Trenderas.  Kasama niya rito ang Superstar na si Nora Aunor at ang dalawa pang tulad niyang baguhan na sina Katrina Velarde at Lara Maigue.

 

vuukle comment

ALL IN

DADDY DI DO DU

DANIEL MA

JASON ABALOS

JIRO MANIO

KATRINA VELARDE

LARA MAIGUE

NORA AUNOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with