Boy Abunda ok na, nakalabas na ng hospital malaki nga lang ang ipinayat

PIK: Meron daw inihandang pasabog si Solenn Heussaff na kung saan magpapakita raw ito ng kaseksihan niya.

Pero ang isang nakakaintriga ay kung ano ang iri-reveal ng magkasintahang Rocco Nacino at Lovi Poe sa Sunday All Stars ngayong araw.

PAK: Finally ay nakalabas na ng hospital si Kuya Boy Abunda, at tinitiyak nilang nasa mabuti na itong kalagayan.

Kung anu-anong kumakalat na kuwento tungkol sa Kapamilya talk show host, pero okay na okay na raw ito ayon sa mga taong malapit sa kanya.

Malaki lang daw ang ipinayat ni Kuya Boy, pero at least safe na raw ito, at okay na okay na ang kanyang kalagayan.

Magpapahinga lang daw sandali si Kuya Boy sa tahanan niya, pero makakabalik na raw ito sa mga shows niya sa mga susunod na araw.

BOOM: Hindi pa raw handa ang QC Mayor Herbert Bautista na pumasok sa panibagong relasyon pagkatapos niyang ma-involve kay Kris Aquino.

Ang isa sa iniisip niya ay ang mga anak niya na marami raw natutunan sa pinagdaanan niya noon kay Kris.

“What happened really was an eye-opener for my kids, and I pray that they become stronger because of that experience, and I think they are stronger,” pakli ni Mayor Herbert.

Kahit siya ay marami rin daw na natutunan sa pakikipagrelasyon kay Kris.

Saad niya: “No matter what, maliit lang ang mundong ginagalawan natin. She belongs to a political family, I am in public service. Kita-kita kami maliit lang ang mundo.

“If you go to the other side of the world ‘yung entertainment industry na maliit din ang mundo.

“Our children are growing up, they could be friends, they could be co-workers in the future.”

Dagdag pa niya: “Walang problema. I have no rancor about anything to anyone. Wala akong masamang tinapay kahit kanino, and I think she feels also the same way. I think that’s also one of the reasons why naging kaibigan niya uli si James (Yap). I’m looking forward na magkausap-usap sila uli ni Kuya Ipe (Phillip Salvador) saka ni Kuya Joey (Marquez), so everything is really okay. “May nabasa nga ako na huwag kang manatiling galit dahil ang masasaktan lang dun ay hindi lang ‘yung taong kinagagalit mo kundi ikaw rin mismo. Parang ganun din lang siguro.”

Show comments