Aiko Melendez ni-rape ng manliligaw na mas bata
MANILA, Philippines - Itatampok sa Ipaglaban Mo ang kaso ng rape kung saan biktima ang isang matandang dalagang nasa edad 30 pataas na nilapastangan ng mas bata niyang manliligaw ngayong Sabado (Agosto 23).
Bibigyang buhay ni Aiko Melendez ang karakter ng biktima na si Candida, habang si Arron Villaflor naman ang gaganap bilang si Popoy, ang suspek. Pinanigan kaya ng korte ang sumbong ni Candida kung ang alam ng karamihan ay meron silang relasyon?
Ano ang nag-udyok kay Popoy upang gawin ang krimen? Bahagi rin ng episode na pinamagatang Sa Aking Pagbangon na idinerehe ni Jon Villarin sina Lui Manansala at Deniesse Aguilar.
Ina napagkamalang asawa ang anak nang magka-Alzheimer
Madalas sabihin na ang isang anak, kayang tiisin ang mga magulang niya pero ang isang magulang, lalung-lalo na ang isang ina, ay kailanman ay hindi matitiis ang kanyang anak.
Ngunit paano kung kabaligtaran ang nangyari?
Ngayong Sabado sa Magpakailanman, alamin ang kuwento ng buhay ni Lauro Tuaño, at ng kanyang ina na si Lucing - isang biktima ng sakit na kung tawagin ay Alzheimer’s Disease; isang sakit na unti-unting bumubura ng mga alaala ng isang tao.
Ano ang gagawin ng isang anak sa pagdiskubre na ang kanyang ina na nagsakripisyo para maging maganda ang buhay niya, ang siya naman ngayong mangangailangan ng tulong?
At ano ang gagawin niya kung sa patuloy na pagkawala ng kanyang alaala, ay pagkamalan siyang asawa ng kanyang sariling ina?
Itinatampok si Ms. Gina Pareño kasama sina Martin del Rosario at Ryza Cenon.
Mula sa direksyon ni Neal del Rosario, alamin ang kinahinatnan ng mag-inang Lucing at Lauro Tuaño ngayong Sabado (August 23) sa Magpakailanman pagkatapos ng MARIAN sa GMA7.
- Latest