Sharon pinagbibintangang insecure lang, hindi raw depression ang nararamdaman

Seen : Sinagot ng ABS-CBN ang pamasahe ng Brazilian mother ni Daniel Matsunaga para makapunta sa Pilipinas bilang sorpresa sa Brazilian-Japanese model/actor na housemate ng PBB All In. Pumasok kahapon sa PBB House ang nanay ni Daniel.

Scene : Ang mga pinagdududahan na sexual orientation ang common denominator nina Markki Stroem at Martin del Rosario, dalawa sa mga aktor na magpapaseksi sa Naked Truth, ang biennial sexy fashion show ng Bench.

Seen : Walang sama ng loob na nararamdaman si Mayor Alfred Romualdez laban kay DILG Secretary Mar Roxas dahil sa mga sinabi nito sa kanya nang manalanta si Typhoon Yolanda sa Tacloban City noong November 2013. “Nakikita ko ang sarili ko sa’yo” ang biro ni Romualdez kay Roxas dahil MAR ang tawag sa kanya ng mga kababayan niya. MAR for Mayor Alfred Romualdez

Scene : Insecurity at hindi depression ang tawag ng detractors ni Sharon Cuneta sa pinagdaanan nito na mid-life crisis.

Seen : Sa October 2014 ang tentative airing ng The Amazing Race Philippines, Biyaheng Asia, ang reality game show competition ng TV5. Si Derek Ramsay ang host ng Season 2 ng The Amazing Race Philippines.

Scene : Nanahimik ang comedian na si Ramon Bautista mula nang ideklara siya na persona non grata ng Davao City Council.

Seen : May kilig sa boses ni Chynna Ortaleza nang sagutin nito ang isyu ng diumano’y extra closeness nila ng kanyang Dading co-star na si Benjamin Alves.

Scene : Hindi na movie made for TV ang Dementia dahil ipalalabas ito sa mga sinehan sa September 24. Si Nora Aunor ang bida sa Dementia na unang movie directorial job ng former TV5 executive na si Perci Intalan.

Show comments