MANILA, Philippines – Naglabas na ng resolusyon ngayong Martes ang lokal na pamahalaan ng Davao City laban sa komedyanteng si Ramon Bautista.
Nakasaad sa “A resolution declaring Ramon Bautista as persona non grata in Davao City” na naging sexist ang komedyante sa paghirit ng “Ang daming hipon dito sa Davao.”
“Mr. Bautista wilfully and arrogantly intended to propagate a culture of sexist and male chauvinism that promotes rude and disrespectful behavior against women,” nakasaad sa resolusyon.
Kaugnay na balita: Duterte kay Ramon Bautista: 'Bisita ka lang, gumalang ka'
Sinabi pa ng Davao City council na: “The Women Development Code of Davao City defines Mr. Bautista's actions under other forms of sexual harassment.”
Dagdag nila na kailangan maintindihan ni Bautista na bilang isang bisita sa kanilang lugar ay kailangan niyang maging disente at respetuhin ang mga tao ng Davao City.
“There is a need to let the world know and those that employ Mr. Bautista that he is an extremely corrupt influence to the youth and his abusive behavior should not be tolerated," nakasaad sa resolusyon.
Samantala, tinanggap naman ni Ramon ang desisyon ng Davao City.
I respect the decision of the Davao officials, and I will abide by it.
— Ramon Bautista (@ramonbautista) August 19, 2014