^

PSN Showbiz

Mandurukot ibinuko ang dati nilang raket

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa panahon kung saan napapadalas ang mga balita tungkol sa salisi at pandurukot, kailangan doble ingat na talaga tayo. Kaya naman ngayong Martes (Agosto 19) sa Basta Every Day Happy, magbabahagi sina Gladys Reyes at Alessandra de Rossi ng ilang mga tips kung paano didiskarte kontra-salisi.

Isang live sample ang ipapakita natin sa studio audience kung paano kayo pwedeng makunan ng gamit nang hindi ninyo namamalayan. Kilalanin din si Alias Kiko, isang dating mandurukot na ikukuwento sa atin ang ilang mga common modus ng mga miyembro ng salisi gang.

At ilang tips din ang ibabahagi sa atin ng isang alagad ng kapulisan kung pa­ano nga ba talaga natin maiiwasan ang mabiktima ng mga masasamang loob na gusto kayong isahan.

Tutukan din ngayong Miyerkules (Agosto 20), dahil live na live kayong pasa­sayahin sa Basta Every Day Happy!

Dibdiban naman ang usapan dahil ilalantad na ang isa sa mga dahilan kung bakit sumisikip ang dibdib ng mga kababaihan – ito ay kapag hindi tama ang sukat ng kanilang bra. Alamin ang mga common mistakes sa pagpili ng undergar­ment na ito at ano ang kabutihang madudulot ng right-fitting bra.

Alamin din ang mga tama at maling akala tungkol sa pag-aalaga sa dibdib katulad ng epekto raw sa dibdib ng paggamit ng deodorant at pagtulog nang nakadapa. Kung kinakabahan na rin kayo para sa inyong kalusugan, tuturuan kayo ng isang eksperto kung paano ang tamang paraan ng pase-self breast exam.

 

AGOSTO

ALAMIN

ALESSANDRA

ALIAS KIKO

BASTA EVERY DAY HAPPY

DIBDIBAN

GLADYS REYES

KUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with