^

PSN Showbiz

Singer-actress iritang-irita sa nagbuko ng kanyang talent fee

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Naimbyerna ang singer-actress (SA) sa concert producer na kumukuha sa kanya na mag-guest sa pinuprodyus nitong concert. Paano naman, ipinakita ng concert producer (CP) sa mga kausap ang palitan nila ng text pati ang usapan sa talent fee (TF).

Sikreto nga naman ang TF sa mga ganitong ne­go­sasyon, pero sa ginawa ni CP, nalaman kung mag­kano ang TF ni SA. Ang mga kasama pa naman noon ni CP ay kapwa concert producer din, kaya buking na ng mga ito ang rate ni SA.

Hindi alam ni CP na makakarating kay SA ang kanyang ginawa, kaya lalong hindi tinanggap ni SA ang offer ni CP, kahit mga kaibigan pa niya ang makakasama sa concert. Ang alibi nito may taping siya na totoo rin naman, pero puwedeng ipaalam.

Dennis lagare sa mga ‘first time’

Sa medical series na Sa Puso ni Dok lang yata hindi mali-link sa kanyang leading lady si Dennis Trillo dahil taken na si Bela Padilla sa BF nito na si Neil Arce. First time nagtambal ng dalawa.

Sa August 24, 9:30 pm., ang pilot ng Sa Puso Ni Dok na tatalakay sa health problem ng bansa at ipa­kikita kung paano nagkakaproblema, sino ang nagbibigay ng problema, at kung paano marere­medyuhan ang problema.

Dapat sa GMA News ipalalabas ang medical series, pero nagustuhan ni Atty. Felipe Gozon kaya inilipat sa GMA 7. Si Dennis din ang kumanta ng theme song ng Sa Puso Ni Dok na Tibok ng Puso.

Samantala, dapat noong Aug. 14 nag-start na ng shooting sina Dennis at Maja Salvador sa pelikula nilang Now and Forever ng Regal Entertainment. Pero hindi natuloy dahil sa schedule ni Maja.

Ang Ulam episode naman nina Dennis at Carla Abellana sa Shake, Rattle & Roll XV ay sa third week ng September sisimulan dahil nasa abroad pa ang director ng episode na si Jerrold Tarog.

Nakapag-taping na rin ang aktor ng bagong tele­serye niya sa Ch 7 na Hiram na Alaala. Another first sa kanya na gumanap na isang sundalo at sa direction ni Dominic Zapata.

Valerie ayaw nang magpa-sexy, nahihiya sa nagdo-doktor na karelasyon

Idolo pala ni Valerie Concepcion si Marian Ri­vera, gandang-ganda siya rito at gustung-gusto niya ang mukha ng aktres. Kaya nang malamang nag-pro­pose si Dingdong Dantes kay Marian, kinilig siya na parang normal fan. Hindi nito napanood ang actual marriage proposal sa TV at hinanap pa sa Internet.

Isa sa agad niyang tiningnan sa proposal ni Ding­dong ay ang Harry Winston engagement ring dahil alam na mahal ang ganu’ng klaseng singsing.

Alam ng BF niyang medical intern na si Dr. Chris­topher Tumambing na gandang-ganda siya kay Ma­rian at binibiro siyang maganda rin siya. Dahil sa BF na doctor, hindi na nakikita ni Valerie na magpapaseksi pa siya sa mga project na gagawin. Pati pagpo-pose sa men’s magazine, isinara na niya.

 Malaking dahilan din ang BF na malapit nang maging doctor para magsikap si Valerie na tapusin ang BSBA course niya sa AMA. Maganda nga naman kung ikasal sila ng BF ay tapos din siya ng college.

Aiza ayaw pumorma sa concert, hanggang t-shirt lang ang susuutin

Tinanong namin ang engaged couple na sina Aiza Seguerra at Liza Diño sa kanilang costume sa concert nilang High on Love sa August 22, sa Music Museum. Sabi ni Aiza, siya naka-t-shirt lang at si Liza ang bobongga sa costume dahil magsasayaw ng flamenco.

Pinaghahandaan ng dalawa ang concert dahil sila rin ang producer via their Fire and Ice Productions at sila rin ang director. Kinuhang musical director ni Aiza si Mike Villegas at kasama sa concert ang Grupo Nuevo Flamenco Dancers.

Sa presscon, hindi pa masabi ni Aiza ang kanyang repertoire, siguro naman kasama ang theme song nilang Araw-Gabi at songs na gusto nila gaya ng Makita Kang Muli at A Thousand Years.

Matibay ang pundasyon ng relasyon nina Aiza at Liza dahil hindi lang sila lovers, bestfriends, at soulmates pa.

Mabibili ang tiket sa High on Love sa Ticketworld outlets, Fire & Ice Prods (0905-2116425) at Music Museum ticketron at P2,000, P1,500 at P800.

AIZA

CONCERT

DAHIL

MUSIC MUSEUM

SA PUSO NI DOK

SHY

SIYA

VALERIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with