Naging pagsubok lang siguro si Kris Aquino sa katatagan ng pagsasama nina Mayor Herbert Bautista at Tates Gana. Ayon sa kaibigan kong movie reporter, balik sa masaya ang pamilya kasama ang dalawa nilang anak.
Mukha pa raw naging mas matatag ang dalawa dahil sa pinagdaanan nilang pagsubok. Hindi naman ako nagtataka kung bakit bitter pa rin ang presidential sister sa naging relasyon nila ng pulitiko. Obvious na naging kasangkapan lang siya ng tadhana para mapatatag ang relasyon ng dalawa.
Mga tomboyita at baklesh sa showbiz hinuhusgahan
Ang lupit-lupit natin sa mga kapwa natin may problema sa kanilang kasarian. Tayo ang namomroblema kung bakla ang isang lalaki o tomboy ang isang babae. Parang ayaw nating tanggapin na tanggap nila ang mga naging kapalaran nila. Sa halip na tulungan natin, mas pinahihirapan natin ang buhay nila.
Puwede bang tanggapin na lang natin sila ng walang pagtatanong? I’m sure ‘di rin nila alam kung bakit ganun ang kapalaran nila, pero may choice ba sila. Lalo na ang mga artista na may problemang ganito. Kung wala naman silang binibigyan ng problema at nag-e-excel naman sila sa kani-kanilang field, asan naman ang problema? Hayaan na lamang natin sila. Huwag na natin silang ipahiya. Baka nga mas kapaki-pakinabang sila sa mundong ito kaysa sa atin.
GF ni Jason matuturuan umarte
O, totoo ba na pakakasalan na ni Jason Abalos ang PBB housemate na girlfriend pala niya? Ang tanong, handa na bang mag-asawa ito? Baka naman sa naging karanasan nito sa loob ng Bahay ni Kuya ay mas may nabuong balak sa girl tulad ng pag-aartista. Sana makasama ito sa Big 4, dahil talagang maganda ito. At ‘yung pag-arte naman ay napag-aaralan. Besides, mga bata pa sila at tila may problema pa ito sa pamilya na kailangang maresolba. Dito siya dapat matulungan ng boyfriend niya.