Lorna nadulas at masama ang pagkakabagsak, kailangan operahan!

PIK: Nakaalis na pala patungong Canada si De­rek Ramsay, pero nangako itong bago mag-August 20 ay babalik siya ng bansa para harapin itong kasong isinampa laban sa kanya.

Hanggang ngayon ay nagdadalawang-isip pa rin si Derek kung magsasalita ba siya laban kay Mary Christine Jolly.

As much as possible ay ayaw niyang makasira sa kapwa. Pero sa ilalabas niyang affidavit, bahala na raw ang mga tao kung alin ang paniniwalaan nila. Pero lahat na ibinintang sa aktor ay sasagutin niya, dahil hindi naman daw siya ganun kasama gaya nang isinalalarawan ng babaeng sinasabing naging misis niya.

PAK: Hindi apektado itong boyfriend ni Mommy Dionisia Pacquiao na si Michael Yamson sa mga nagdududa sa kanyang pag-ibig sa ina ng ating Pambansang Kamao.

Kaya nga raw siya nagtatrabaho bilang seaman dahil gusto raw niyang patunayan na kaya niyang buhayin si Mommy D.

Hindi naman deretsahang sinabi ni Manny Pacquiao na tutol siya sa pagmamahalan ng dalawa, pero ang sabi lang niya, kung ano ang ikasisiya ng Diyos, hindi niya ito tututulan.

BOOM: Biglang isinugod sa hospital si Lorna Tolentino kamakalawa ng hapon dahil sa nadulas ito sa Greenhills at hindi maganda ang pagbagsak ng bandang puwet nito.

As of presstime ay under observation ang Kapuso actress kung kinakailangang i-brace ang katawan niya o merong gagawing bagong treatment na isang operasyon para isemento ang kanyang buto.

Mahihirapan si Lorna magtrabaho para makapag-taping sa My Destiny kung i-brace ito. Kaya baka itong bagong pro­seso ang gagawin sa kanya, para puwede siyang bumalik sa trabaho.

Pero maingat ang mga doktor sa gaga­wing treatment sa aktres dahil sa sakit niyang scoliosis.

Hangad ng lahat ang mabilis na paggaling ni Lorna lalo na’t kailangang-kailangan siya sa My Destiny.

 

Show comments