Joseph itinanggi si Empress

MANILA, Philippines - Nag-enjoy si Joseph Marco sa kanyang red hair sa pelikulang Talk Back and You’re Dead na sho­wing na sa August 20. “Talagang na-enjoy ko. Parang parati akong in character. Pero nung pang-limang beses na, hindi na kasi dusa talaga. Ang baho-baho ng amoy. Ang sakit sa ilong. Ang hirap tanggalin. Dalawang oras ding nilalagay,” sabi ni Joseph.

Puwede bang i-compare ang pagiging gangster nila ni James Reid (bida sa movie) kay Daniel Padilla sa pelikulang She’s Dating the Gangster? “Hindi po. Masyadong malayo ang character namin. Mas dark ito,” mabilis na sagot ni Joseph na kasama rin sa grupong Lucky 13 ng pelikula.

Pero kumpara kay James, walang topless moments si Joseph sa movie ng Viva Films and Star Cinema. “Reding-redi pa naman ako. Baka sa susunod, magta-topless na ako,” aniya.

Four years pa lang sa showbiz si Joseph pero mabilis ang arangkada ng career niya.

“Nakita ko talaga ‘yung progress sa career ko na slowly but surely,” sabi ng aktor.

“Kaya talagang very thankful ako. Kasi sunud-sunod talaga ang projects. Halos hindi nababakante,” sabi pa niya na kasalukuyang nasa Pure Love.

Samantala, itinanggi ni Joseph na merong something sa kanila ni Empress Shuck. “Wala po talaga kami ni Empress. We’re just friends,” katuwiran niya.

Bago ang Pure Love nakasama si Joseph sa E-Boy, Pintada, Princess & I, Huwag Ka Lang Mawawala, at Honesto.

Sa pelikula naman, nakasama siya sa Saturday Night Chills na kasali sa Cinema One Originals Film Festival last years, On The Job, at Saka Saka.

Sikat sa paperback at online na Wattpad ang TBYD kung saan isang mapaglaro pero mapagmahal si Red.

Si Nadine Lustre ang leading lady nila ni James.

Pinag-uusapang exclusive interview ni P-Noy, mapapanood na sa TV5

Ang galing ng News and Current Affairs ng TV5. Sa kanila nagpa-interview ng exclusive si Pangulong Noynoy Aquino tungkol sa mga plano niya sa susunod na election at mga gagawin niya pa sa natitira niyang panahon bilang pangulo.

Kabilang sa mga sinabi nito ang pag-aaral sa posibilidad na magkaroon ng cha-cha (o charter change) at ang pag-amyenda ng ilang mga probisyon sa saligang batas.

Ginamit ng ibang channel ang kanilang interview na naunang lumabas sa kanilang website kaya panay din ang banggit ng ibang network sa TV5. Naging banner din sa mga dyaryo ang mga sinabi ni P-Noy.

Ang resident legal analyst ng TV5 na si Atty. Mel Sta. Maria ang siyang nag-interview sa pa­ngulo na mapapanood ngayong Linggo, Agosto 17 ng 10:00 p.m. sa TV5.

Sarah Geronimo makapatid-litid ang biritan sa Top 4 ng The Voice Kids

Humanda nang humiyaw at sumigaw kasama ang inyong paboritong Kapamilya stars sa ASAP 19 ngayong Linggo (August 17). Magpapakawala ng malakas na sigaw ang Popstar Royalty Sarah Geronimo sa kanyang makapi­gil-hiningang concert treat. Sasabak din siya sa makapatid-litid na biritan kasama ang The Voice Kids Top 4 sa pangunguna ng grand winner na si Lyca at ASAP Icons na sina Lani Misalucha at Darren, Richard Poon at JK, Zsazsa Padilla at Darlene.  

Garantisadong nakabibinging tilian ang idudulot nang paglabas ng box-office loveteam nina Teen King Daniel Padilla at Teen Queen Kathryn Bernardo sa ASAP stage. Magpapakilig naman ang ASAP leading men sa pangunguna ni Piolo Pascual, Xian Lim, Matteo Guidicelli, at Gerald Anderson sa isang espesyal na production number.

Humanda rin sa dumadagundong na hiyawan para sa back-to-back na surpresa na dala ng mga lead stars ng Talk Back and You’re Dead na sina James Reid, Nadine Lustre, at Joseph Marco at  Somebody to Love stars na sina Iza Calzado, Matteo Guidicelli, at Jayson Abalos.

Banayad na sigaw ang mamumutawi sa pakikipag-jamming ng ‘90’s OPM Idol Paco Arespacocha kasama ang ilang Kapamilya stars. Bibigyang-buhay nina Erik Santos, Yeng Constantino, Jed Madela, at Angeline Quinto ang musika ni Peabo Bryson para sa Champions face-off. Ipangangalandakan naman ni Asian Acoustic Sensation Aiza Seguerra ang kanyang damdamin sa pamamagitan ng kanyang High on Love concert.       

Show comments