Kamakailan ay magkasamang nagbakasyon sa South Africa ang magkasintahang sina Gerald Anderson at Maja Salvador. Ayon kay Gerald ay sobrang saya ng naging bakasyon nila ni Maja. Maganda raw ang pagkakataong ganito dahil mas nakikilala nila ang isa’t isa. “Oo naman, mas makikilala mo ‘yung gano’ng sitwasyon. It was a great experience, ang ganda sa South Africa. Nag-ATV (all terrain vehicle) lang ako, nakakita ako ng giraffe, ng rhino. Sobrang ganda ng experience, nandiyan lang sila so anytime pwede kang sugurin. ‘Yung feeling na ’yun na sa wild ka talaga,” kwento ni Gerald.
Noong isang linggo ay nagkasama sa isang production number sa ASAP ang magkasintahan at dating kasintahan ng aktor na si Kim Chiu. Isa itong pagpapatunay na wala na raw talagang problema sa pagitan nila at posibleng magkatambal muli sina Kim at Gerald sa isang proyekto. “Alam mo kasi ang problema lang diyan masyadong mangingibabaw ‘yung personal eh. People will talk about our personal lives instead of the project. Sayang lang ‘yung project kung maganda. So mabuti kung hindi, kasi kumbaga if something’s okay, ayaw mo namang palalain ‘yun,” paliwanag ng aktor.
Para kay Gerald ay ayaw din niyang makasama sa isang proyekto si Maja at wala raw sino man ang makakakumbinsi sa kanya. “Nothing will convince me, walang makaka-convince. Gaya nang sinabi ko kahit gano’n kaganda ‘yung istorya pero kung gano’n ‘yung mga artista na gaganap tapos mas pag-uusapan, ‘yun,” giit ng aktor.
Boyet mabigat sa loob na iwan ang anak na may cancer sa Amerika
Nasa Amerika ngayon ang anak nina Christopher De Leon at Sandy Andolong na si Miguel. Naka-confine ngayon sa isang ospital sa California ang binata dahil sa cancer. “He’s okay but he’s still in the ICU, but he’s in the best hospital in the United States, one of the best, it’s called California Pacific Medical Hospital,” pagbabahagi ni Boyet. Ayon sa aktor ay magagamot naman ang kondisyon ng anak na mayroong Testicular Germ Cell Tumor. “It’s the one si Lance Armstrong had before and after that naging champion pa nga siya, the best cycling athlete, he’s a sports man for that matter. Ang daming nangyayaring ganyan, it’s curable and God is at the helm and in God’s time everything will be okay,” pahayag ng aktor.
Mahirap daw sa kalooban ni Boyet na iwanan ang anak sa Amerika dahil sa kondisyon nito. Kailangang bumalik sa Pilipinas ng aktor dahil sa kanyang mga ginagawang proyekto. “It’s very difficult but I have a commitment to do here and Sandy is still there and my son from New Zealand flew to San Francisco and my sister Pinky (De Leon) lives there. So he’s completely covered,” pagtatapos ng aktor. Reports from JAMES C. CANTOS