MANILA, Philippines – Inanunsyo na ng Kapuso lovers Dingdong Dantes at Marian Rivera ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib/
Sinabi ng dalawa na sa Disyembre 30 sila magsusumpaan sa simbahan ng Immaculate Concepcion sa Cubao.
Sa kaparehong simbahan bininyagan ang Kapuso actor.
Kaugnay na balita: Marian at Dingdong engaged na!
Inalok ni Dingdong ng kasal nitong Agosto 10 sa birthday celebration ni Marian sa kanyang dance show sa GMA7.
Sinabi ni Marian na “lutang, masaya, kinilig. Masarap sa pakiramdam,” ang kanyang naramdaman nang mag-propose si Dingdong na live sa telebisyon.