^

PSN Showbiz

Bashers ni BB nakatikim ng ganti ni Robin

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Haharap sa press ang bagong engaged na sina Dingdong Dantes at Ma­rian Rivera.

Dito nila i-announce ang detalye ng kanilang kasal na naka-schedule na sa December ng taong ito. Hindi lang namin alam ang eksaktong date.           

Ang curious kami ay kung sino ang mga kukuning ninong at ninang, at kung paano nila maha-handle ang pagpunta ng fans dahil sinasabi ni Marian na gusto niyang maging bahagi ang mga fans niya sa memorable day na iyun, at gusto niyang maging bahagi ang mga taong patuloy na nagmamahal sa kanila.

Abangan sa Startalk ang buong detalye ng kanilang pagpapakasal.

PAK: Si Robin Padilla ang unang nag-react sa mga bashers ng kapatid niyang si BB Gandanghari.

Sabi naman ni BB, nagpapasalamat siya sa pagta­tanggol sa kanya ni Robin pero hindi raw siya apektado sa mga sinasabi ng mga bashers laban sa kanya.

“Si Robin kasi medyo sensitive sa mga haters ko. I’m glad that he’s very supportive and nandiyan siya na nagdi-defend sa akin,” pahayag ni BB.

Concern daw kasi si Robin na parang mas si BB ang natitira, at parang mas tanggap pa raw si Aiza Seguerra at ang pakikipagrelasyon nito kay Liza Diño.

“Baka I’m more polarizing than Aiza choz!” natatawang pahayag ni BB.

BOOM: Marami ang nag-react sa sinabi ni Carla Abellana tungkol sa kanila ni Geoff Eigenmann na kung saan may linya siyang pinatawad na raw niya si Geoff, dahil ang Diyos nga raw ay nakakapagpatawad ng demonyo.

Marami ang na-turn off sa kanya na ang dating ay parang inihalintulad si Geoff sa demonyo.

Kaya nag-react ang kampo ni Geoff at gusto na nilang sagutin ito ng aktor.

Pero sabi ni Geoff, mataas ang paggalang niya sa pamilya ni Carla, kaya ayaw na raw niyang magsalita.

Hindi na siya pinipilit ng mga taong malapit sa kanya, dahil alam nilang kapag nagsalita na si Geoff ay tuluy-tuloy na. Baka raw mas matindi pa ang rebelasyon ng aktor kaugnay sa kanilang break-up kaya minabuti nitong manahimik na lang.

May tamang panahon naman daw para magsalita si Geoff na hindi na masasaktan ang ibang taong involved.

AIZA SEGUERRA

BAKA I

CARLA ABELLANA

DINGDONG DANTES

GEOFF

GEOFF EIGENMANN

LIZA DI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with