Tama na hindi pinasasamang mag-isa kay Matteo... Mommy Divine inililigtas si Sarah sa temptation
Sa totoo lang, wala akong makita na masama sa hindi pagpayag ni Divine Geronimo na huwag mag-join si Sarah sa Cebu trip ni Matteo Guidicelli last week.
Karapatan ‘yon ni Mommy Divine bilang madir ni Sarah. Right niya na protektahan ang kanyang anak sa anumang temptation na puwedeng mangyari sa Cebu. Temptation daw o!
Kung ako si Matteo, inimbitahan din niya dapat sa Cebu si Mommy Divine para nagkasama sila ni Sarah sa Ironman event.
In fairness, sinunod ni Sarah ang kagustuhan ni Mommy Divine, kahit may balita na nagkaroon sila ng tampuhan dahil sa nabulilyaso na pagsama niya kay Matteo sa Cebu.
Masunurin na anak si Sarah. Sure ako na bibiyayaan ng Diyos ng maganda ang pagrespeto niya sa kanyang mga magulang.
Starring si Matteo Guidicelli sa Somebody to Love, ang birthday presentation ni Mother Lily Monteverde.
Sure na sure ako na tungkol sa kanyang girlfriend ang itatanong kay Matteo ng mga reporter na invited sa presscon ng Somebody to Love.
Edukado at disente na bata si Matteo. Hindi ang tipo niya ang magiging disrespectful sa mga nakatatanda sa kanya. Knowing Matteo, sasabihin nito na naiintindihan niya ang pasya ni Mommy Divine na huwag sumama si Sarah sa kanya sa Cebu.
Parang nagpa-sex change BB sobrang tinis na ng boses
Ang taas ng boses ni BB Gandanghari sa promo interview sa kanya para sa isang pelikula.
Paulit-ulit na ipinapakita sa Eat Bulaga ang interbyu kay BB na hindi puwedeng dedmahin dahil sobrang taas ng kanyang boses.
Papa Lito nakipagkulitan kina Papa Jinggoy at Sen. Bong sa bilangguan
Dumalaw kina Senator Bong Revilla, Jr. at Senator Jinggoy Estrada ang kanilang fellow senator na si Lito Lapid.
Nangyari ang pagdalaw ni Papa Lito noong Martes. Sina Mother Lily Monteverde at Senator Grace Poe naman ang mga naka-schedule na bumisita kahapon kina Bong at Papa Jinggoy sa PNP Custodial Center.
May private joke sina Bong, Papa Jinggoy, at Papa Lito pero hindi ko ibabahagi sa inyo dahil baka pag-ugatan pa ng intriga.
Pera rin daw ang isa sa mga problema Robin Williams tinapos ang buhay ng sinturon
Sinturon pala ang ginamit ni Robin Williams sa pagbibigti.
Ang tsismis, bukod sa sobrang depression, may financial problems daw si Robin kaya nag-decide ito na mag-suicide. May balita rin na may suicide note na iniwan si Robin pero hindi ito kinumpirma ng mga tao na malalapit sa kanya.
Hindi natin alam at hindi na natin malalaman ang tumatakbo sa isip ni Robin kaya tinapos niya ang sariling buhay.
Isang lang ang klarung-klaro, malungkot ang buhay ni Robin, ang comedian na may talent na magpaligaya ng ibang tao pero hindi nagawa na paligayahin ang sarili. Marami ang katulad ni Robin sa showbiz, local, at international.
Boyet confident na gagaling ang anak
Ang hipag na si Pinky de Leon, ang anak na si Sandino at ang asawa ni Miguel ang kasama ni Sandy Andolong sa pagbabantay at pag-aasikaso sa anak nila ni Christopher de Leon na may testicular cancer.
Normal lang na nag-aalala sina Boyet at Sandy sa kalagayan ng kanilang anak pero buo ang kanilang pananalig na gagaling si Miguel dahil may highest cure rates ang testicular cancer.
Saka sinabi ni Boyet na naka-confine si Miguel sa isa sa mga pinakamahusay na ospital sa Amerika at alagang-alaga ng mga doktor ang anak nila ni Sandy.
Bumalik si Boyet sa Pilipinas noong Monday at nakapag-taping na para sa mga eksena niya sa Ikaw Lamang. Dumalo rin siya sa presscon noong Martes ng bagong drama series niya sa ABS-CBN. Para kay Boyet, the show must go on, sa kabila ng pagsubok na pinagdaraanan ng kanyang pamilya.
- Latest