TV5 certified Happy Network sa bagong Station ID
MANILA, Philippines - Mapapanood na sa TV5 ang pinakabago nitong station ID at kitang kita rito kung bakit binansagang “happy network” ang Kapatid station.
May temang Happy Ka Dito, pinangungunahan ang video nina Derek Ramsay, Jasmine Curtis-Smith, Ogie Alcasid, Ritz Azul, Alice Dixson, at ng lumalaking pool ng Kapatid talents, hosts, newscasters, at sportsmen, pati mga TV5 employees, fans, at audiences na lahat ay game na game na sumasayaw sa sikat na kantang Happy ni Pharrel Williams, mula sa Despicable Me 2 movie sound track.
Nakatutuwang makita sa video ang “wacky” side ng mga Kapatid talents, kabilang sina superstar Nora Aunor, news anchors Luchi Cruz-Valdes, Paolo Bediones, at ang Tulfo brothers, at maging ang mga basketball royalties na sina Coach Chot Reyes at ang Gilas Pilipinas team na humahataw at enjoy na enjoy.
Nakisaya rin sa Station ID ang mga industry icons na sina Vic Sotto, Joey de Leon, Richard Gomez, at Edu Manzano; young stars Vin Abrenica, Alwyn Uytingco, Mart Escudero, Eula Caballero, Mark Neumann, Valeen Montenegro, Edgar Allan Guzman, at ang Artista Academy scholars; heartthrobs Wendell Ramos at ang half-Pinoy group na Juan Direction; ang Trenderas singing trio na sina Isabelle De Leon, Lara Maigue, at Katrina “Suklay Diva” Velarde; hosts Raymond Gutierrez, Gelli de Belen, Tintin Bersola, Grace Lee, Tuesday Vargas at Jojo Alejar; News5’s Martin Andanar, Cheryl Cosim, Lourd de Veyra at “bayaw” Jun Sabayton; sportscaster Erika Padilla; at ang mga komedyanteng sina Empoy at Bayani Agbayani.
Puno ng saya, sayawan, at kulitan, masasalamin sa Station ID ang happy atmosphere na nae-enjoy ng mga talents at staff sa bakuran ng Kapatid network. Itong happiness na ito ang isini-share nila sa mga viewers sa pamamagitan ng Station ID na ito at ng bawat programang inihahain ng TV5.
Feel-good vibes ang hatid ng bagong Station ID.
- Latest