Pananampal ni Bistek idinipensa ni Kris, pero pananakit sa kanyang puso isinumbat ng TV host-actress; Cristine inaming may ipinaretoke; Anne adik sa 50 Shades

SEEN: Si Quezon City Mayor Herbert Bautista ang guest ni Kris Aquino sa Abunda and Aquino Tonight noong Lunes.

“Pa-cute” sina Kris at Herbert habang pinag-uusapan nila ang pananampal ng alkalde sa Chinese national na suspected drug dealer. Hindi na bagay sa mga 40-plus people ang magpa-cute.

SCENE: Parang sinampal na rin ni Kris Aquino si Mayor Herbert Bautista sa national television nang sabihin niya na nananakit lamang ng damdamin si Herbert, hindi pisikal. Nagamit at boluntaryo na nagpagamit si Herbert ang opinyon ng publiko.

SEEN: Hindi natapatan ng paghaharap nina Kris Aquino at  Mayor Herbert Bautista sa Abunda and Aquino Tonight ang ingay na nilikha ng proposal ni Ding­dong Dantes kay Marian Rivera.

SCENE: Ang paniniwala na nakikilala ang isang tao sa klase ng mga libro na binabasa niya.

Ang Fifty Shades of Grey ang favorite book ni Anne Curtis at iniaarte pa niya ang mga eksena habang nagbabasa.

SEEN: Hindi nag-deny si Cristine Reyes na may ipinaayos siya sa kanyang katawan. Tumanggi siya na sabihin sa presscon ng The Gifted ang bahagi ng katawan na ipinaretoke. Ang kanyang ilong ang hula ng press na ipinaayos ni Cristine.

SCENE: Ang story conference kahapon ng Feng Shui 2, ang official entry nina Kris Aquino at Coco Martin sa 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF).

SEEN: Ang contract signing ng Padilla brothers sa TV5 noong Lunes. Magbibida sina Robin, Rustom, at Rommel Padilla sa 2 1/2 Daddies, ang upcoming sitcom ng TV5.

SCENE: Early promo ng game show na I Do ang guesting ni Judy Ann Santos sa PBB All In noong Lunes.

SEEN: Pinaghahandaan ng Celebrity Bluff ng GMA 7 ang grand finale night ng PBB All In sa August 23. Katapat ng Celebrity Bluff ng GMA 7 ang PBB All In ng ABS-CBN.

Show comments