Ikinalungkot ko ang balita na nagpakamatay si Robin Williams dahil kawalan siya sa entertainment industry at totoo ang sinabi ng kanyang misis na milyun-milyong mga tao sa buong mundo ang pinasaya niya.
Isang bagay lang ang ikinaloka ko, ang pagiging drug addict ni Robin.
Sa edad na 63, hindi na tama na addict sa droga o whatever ang isang tao. Maiintindihan ko pa kung teenager siya na likas na mahilig mag-experiment sa maraming bagay.
Nakapanghihinayang ang walang saysay na pagpanaw ni Robin. Marami ang may sakit na ginagawa ang lahat para gumaling at madugtungan ang kanilang buhay, tapos may isang Robin na nagkaroon ng lakas ng loob na tapusin ang sariling buhay.
Siguro nga, sobra na ang kanyang depression kaya nawalan na siya ng gana na mabuhay.
Anne hindi natatakot maging dabyana
Fresh na fresh si Anne Curtis sa presscon ng The Gifted noong Lunes.
Nakapagpahinga nang husto si Anne matapos ang halos araw-araw na taping noon ng Dyesebel kaya hindi na siya mukhang ngarag.
Naapektuhan noon ng taping ng Dyesebel ang shooting ng The Gifted. Nahinto ang shooting ng pelikula ni Anne sa Viva Films dahil sa everyday taping ng kanyang nagwakas na sirenaserye sa ABS-CBN.
Matabang babae na gagawin ang lahat para matupad ang kanyang mga pangarap ang role ni Anne sa The Gifted.
Gumamit si Anne ng fatsuit para ma-achieve niya ang katabaan na required sa kanyang karakter sa pelikula.
Kahit pinataba ang kanyang mukha at katawan, maganda pa rin si Anne kaya may idea na tayo sa magiging hitsura niya kung sakaling tumaba siya.
Hindi natatakot si Anne na tumaba. At least, alam daw niya na cute pa rin ang kanyang hitsura kapag lumobo ang katawan niya.
Sam alam ang dinanas na hirap ni Anne
Si Sam Milby ang bidang lalaki sa The Gifted. Naranasan noon ni Sam na gumamit ng fat suit sa isang pelikula ng Star Cinema kaya alam niya ang dusa na pinagdaanan ni Anne sa shooting ng The Gifted.
Ang sabi ni Sam, malakas makapagpapayat ang fat suit dahil parang nasa loob ng sauna ang pakiramdam niya.
Marian nagtrabaho kahit birthday
Kahapon ang 30th birthday ni Marian Rivera. Imbes na magpahinga, nagtrabaho si Marian dahil nagpunta siya sa Taguig City para sa Juan for All, All for Juan ng Eat Bulaga.
Isa sa mga birthday wish ni Marian na maging Dabarkads at natupad daw ito nang kunin siya bilang co-host ng Juan for All, All for Juan.
Ibinalita ni Marian na hindi matatapos ang taon, magpapakasal sila ni Dingdong Dantes.
Lalong lumakas ang hinala na ikakasal ang dalawa sa December 8, ang feast ng Immaculate Conception.
Walang date na sinabi si Marian dahil magkakaroon sila ni Dingdong ng special announcement tungkol sa kanilang pag-iisang dibdib.
Ipinaliwanag kahapon ni Marian sa Eat Bulaga na 2012 nang unang mag-propose sa kanya si Dingdong at alam ito ng mga tao na malalapit sa kanila. Nangyari ang proposal sa Butterfly Pavilion ng MGM Grand sa Macau.
At dahil mahal nila ang kanilang mga tagahanga, napagkasunduan nina Marian at Dingdong na ipagtapat sa publiko ang nangyari noong 2012.
Ang pagkakaalam ni Marian, magkakaroon lang ng announcement si Dingdong noong Sabado. Hindi niya inaasahan na uulitin ni Dingdong sa national television ang proposal.
Something old, something new, something blue, at something borrowed ang mga birthday gift na natanggap kahapon ni Marian mula sa Eat Bulaga Dabarkads.