Greatest love pala talaga ni Sam Milby si Anne Curtis. Sa presscon ng pelikula nilang The Gifted, Sam admitted na si Anne talaga ang greatest love niya. “But I’m happy for Anne and Erwan (Heussaff – Anne’s BF). Walang bitterness,” pagka-klaro naman ng aktor sa sinabi niya. “Since I don’t have a girl, siya talaga,” sabi niya nang ma-corner namin ang aktor tungkol sa ex-girlfriend na kasama niya sa movie.
Four years ang naging relasyon nila at four years na rin silang hiwalay. Pero after that ay wala na siyang naging girlfriend though nabalita naman na nanligaw siya.
So basted ba talaga siya kay Jessie Mediola na inamin niyang nililigawan niya kamakailan lang?
“Hindi naman exactly basted pero hindi siguro puwede,” sabi ng actor na si Mark sa The Gifted, ang lalaking pag-aagawan nina Zoe (Anne) and Aica (Cristine Reyes) na showing na sa September 3.
After Jessie wala na uling nababalitang nililigawan ang actor.
So hoping ba siya na, let say lang, nag-split sina Anne at Erwan Heusaff na mag-aala Luis Manzano and Angel Locsin sila?
Ngiti lang ang sagot ng actor pero parang may natitira pang hope sa hitsura ng face niya nang tanungin namin.
Naalala pa nga niya ang mga regalo sa kanya ni Anne noon – relos, sapatos, at kung anik anik pa.
Aside from The Gifted, magiging abala rin siya sa kanyang gagawing bagong album under Star Records pa rin. Three years na ang huling album na ginawa ni Sam. Wala pa siyang naka-schedule na teleserye sa ABS-CBN.
The Gifted is written and directed by Chris Martinez na writer ng mga pelikulang Kimmy Dora 1 & 2, writer-director of Kimmy Dora 3, Here Comes The Bride, and Temptation Island.
Pinoy nakilungkot sa pagsu-suicide ni Robin Williams
Nagulantang ang mundo sa ginawang pagpapakamatay ng Hollywood actor na si Robin Williams noong isang araw. Ibang klase nga naman ang galing niya sa mga ginawa niyang pelikula tapos magpapakamatay lang pala.
Nagkaroon din siya ng asawang Fil-Am na nanny ng anak niya na lalong nagpalungkot sa kanyang Pinoy fans.
Alcoholism and chemical imbalance ang nag-trigger daw sa depression ayon sa mga analysis.
“Robin Williams was an airman, a doctor, a genie, a nanny, a president, a professor, a bangarang Peter Pan, and everything in between. But he was one of a kind. He arrived in our lives as an alien -- but he ended up touching every element of the human spirit. He made us laugh. He made us cry. He gave his immeasurable talent freely and generously to those who needed it most -- from our troops stationed abroad to the marginalized on our own streets,” pagkilala naman ni US President Barrack Obama sa aktor sa kanyang statement na lumabas CNN.com.
John Lloyd at Sarah ibang kuwento na ang susunod na pelikula
Confirmed na gagawa uli ng pelikula sina John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo. Pero hindi na ito continuation ng kuwento ng mag-asawa nang sina Miggy at Laila, ibang kuwento na ayon kay Boss Vic del Rosario.
Tinatapos lang daw ni John Lloyd ang pelikulang The Trial na kasama sina Richard Gomez and Gretchen Barretto bago simulan ang balik-tambalan nila ni Sarah na katatapos lang i-declare na Most Beautiful Star ng Yes mag.
Marami nang naghihintay sa balik-tambalan nilang dalawa after ng matagumpay nilang It Takes a Man and a Woman, kung saan ikinasal na ang character nilang sina Miggy at Laila na pang-third sa series ng character nila.