Matteo proud na proud nang ipaglaban ni Sarah
Kilala ang mag-asawang sina Delfin at Divine Geronimo bilang over protective sa kanilang anak na si Sarah Geronimo. Kamakailan ay pumutok ang balitang opisyal nang magkasintahan sina Matteo Guidicelli at Popstar Princess. Masayang-masaya raw ang aktor dahil ipinaglaban din ni Sarah sa mga magulang ang kanilang relasyon. “Ipinaglaban din niya po ako kaya I’m very, very proud of her,” bungad ni Matteo.
Matatandaang si Sarah ang unang nagbigay ng pahayag kamakailan tungkol sa tunay nilang relasyon ng binata. “I guess she felt it was time. So when I saw it, in a way, I was very proud of her. Not because she said I was her boyfriend, I don’t really care about that. I’m more proud because she stood up as a woman and said what she wants in life. I was the happiest person in the world,” paliwanag ni Matteo.
Naiintindihan naman daw ng binata kung ano ang nararamdaman ng mga magulang ni Sarah ngayong nagkaroon na ng kasintahan ang singer. “I think Sarah’s parents like all parents, they’re very protective for every child. So I understand them,” giit ng aktor. Umusbong daw ang pag-iibigan ng dalawa noong isang taon. “Honestly at first, she didn’t want because she didn’t want a showbiz guy and all that stuff. I always tell her, ‘Follow your heart.’ I always tell her, we’re not doing anything wrong. You know we’re loving each other purely and truly,” pagbabahagi ni Matteo.
Ejay nag-a-adjust para makabili ng bukid
Isang bagong teleserye ang pinaghahandaan ni Ejay Falcon ngayon. Sa Dugong Buhay pa huling nagbida ang aktor kaya masayang-masaya ito sa kanyang pagbabalik sa telebisyon. “Ngayon, may inaayos na project. Nandoon kami sa nagwo-workshop, mga preparations, at look test. Sa September daw,” nakangiting pahayag ni Ejay.
Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang isyu tungkol sa diumano’y espesyal na ugnayan nina Ejay at Sunshine Cruz. “Nahihiya ako kasi ang dami nang pinagdaanan ng tao, tapos may ganoon pang intriga na talaga namang hindi tooo. At ‘yung time na ‘yon, inamin ko naman ay nandoon si Yam (Concepcion, naging kasintahan ni Ejay). So paanong magiging kami? So malabo. Naku, si Ms. Shine, nahihiya talaga ako. Minsan nga tinext ko siya, ‘Ms. Shine, pasensya na talaga,” kwento ng binata.
Marami nang nagawang proyekto si Ejay mula nang magsimula ito sa show business. Inilaan daw ng aktor ang kanyang mga naipon sa isang coconut farm sa kanilang lugar sa Mindoro. Pinaghahandaan na raw ni Ejay ang kanyang kinabukasan kung sakaling titigil na sa pag-aartista. “Mahal ko na ‘yung trabaho ko pero kung bumalik man ako sa buhay na ‘yon ay kaya ko pa rin. Kaya ko pa ring tanggapin,” pagtatapos ng aktor. Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest