May venue na ang pinakahihintay na church wedding nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang Immaculate Concepcion Cathedral sa kanto ng New York Avenue at Lantana Street, Cubao, Quezon City.
Personal choice ni Dingdong ang nasabing simbahan dahil dito siya bininyagan at malapit sa kanilang bahay.
May idea na ako sa mga mangyayari sa church wedding nina Dingdong at Marian. Malamang na isara sa trapiko ang mga kalsada sa paligid ng Immaculate Conception Cathedral dahil tiyak na daragsain ito ng fans.
Napaka-accessible sa fans ng simbahan dahil daanan ito ng mga jeep at ng lahat ng klase ng transportation. Hindi katulad sa ibang mga simbahan na matatagpuan sa mga exclusive subdivision na hindi basta nasasadya ng fans.
Petsa ng kasal at wedding reception venue na lang ang kulang sa pag-iisang dibdib nina Marian at Dingdong na tiyak na magiging wedding of the year sa showbiz.
Barbie hindi ini-expect ang best supporting actress award
Aktres na si Barbie Forteza dahil siya ang Best Supporting Actress sa New Breed Category ng Cinemalaya 2014.
Nag-win si Barbie dahil sa role niya sa Mariquina. Hindi umasa si Barbie na mananalo dahil mahuhusay ang kanyang mga kalaban kaya nabigla siya nang tawagin ang pangalan niya.
Magiging inspirasyon kay Barbie na lalong pagbutihin ang pag-arte dahil sa acting award na ipinagkaloob sa kanya ng Cinemalaya.
Hindi nakalimutan ni Barbie na pasalamatan sa kanyang acceptance speech ang direktor ng Mariquina at ang co-stars niya.
Siyempre, nag-thank you rin si Barbie sa GMA 7 dahil sa suporta sa kanya at sa mga magulang na palaging kasama sa lahat ng mga showbiz function na pinupuntahan niya.
At dahil winner si Barbie, dapat magkaroon ng victory presscon ang GMA Artist Center para sa kanya. Contract star si Barbie ng GMAAC.
Pelikula sana ni Juday iba-iba ang reaksyon ng mga nanood
Ang Mariquina ang indie movie na pagbibidahan sana ni Judy Ann Santos.
Nawala sa cast ng pelikula si Juday kaya ang kanyang kaibigan na si Mylene Dizon ang naging replacement.
Iba-iba ang reaksyon ng audience sa Mariquina. May mga nagsasabi na maganda ang pelikula pero may pumipintas.
May special participation sa Mariquina si former First Lady Imelda Marcos. Hindi ko alam ang relevance ng special appearance niya sa pelikula, maliban sa kanyang mga sapatos na naka-display sa museo ng Marikina City. Hindi ko pa kasi napapanood ang pelikula.
Mga child star pinataob ang mga beterano
Napansin ko na mga bata ang pinarangalan sa Cinemalaya X.
Hindi lamang si Barbie ang bagets na nanalo ng acting award dahil Best Supporting Actor awardee rin ang child star na si Miggs Cuaderno.
Nanalo si Miggs dahil sa role niya sa Children’s Show. Pareho sila ni Barbie na mga talent ng GMA 7. Regular na napapanood si Miggs sa mga teleserye ng Kapuso Network.
Mga pelikula sa Cinemalaya 2012-2013 biglang nagkalat sa YouTube
Kung kailan patapos na ang Cinemalaya, saka nagkaroon ng kontrobersya, ang uploading sa Youtube ng mga Cinemalaya films noong 2012 at 2013.
Naghugas na ng kamay ang organizers ng Cinemalaya. Wala raw silang kinalaman sa unauthorized uploading sa Youtube ng mga pelikula.
May dapat ipaliwanag ang tao na pinagbibintangan na responsible sa paglalagay sa Youtube ng Cinemalaya films. Siya ang sinisisi at tanging siya lamang ang makapagbibigay-linaw kung totoo nga na walang pahintulot ng mga organizer ang kanyang ginawa.
Imbyerna ang mga direktor ng indie movie na upset na upset sa nangyari. Humihingi sila ng explanation mula sa mga executive ng Cinemalaya dahil mga pelikula nila ang na-upload pero inalis na sa Youtube dahil sa kanilang mga reklamo.