Tama lang na kiligin si Vero Samio sa marriage proposal ni Dingdong Dantes kay Marian Rivera. Biruin mo, napanood ito sa buong Pilipinas! At I’m sure sa marami ring panig ng mundo. Mukhang tinalo nito ang maraming marriage proposals na napanood na natin at ginawa sa TV!
Ang suswerte ng mga babae ngayon. Kung dati ay sa mga magulang lang nila hinihingi ng nobyo ang kamay nila, ngayon sa harap na ng libo o milyong manonood. Siguro naman dahilan sa marami ang naging saksi ng proposal mag-iisip sila ng makalawa sakali mang hindi maging matagumpay ang kanilang marriage. They will have to exert more effort kung hindi baka mapagtawanan sila ng mga taong sumaksi nang hingin ng lalaki ang permiso ng babae para magpakasal sila.
Jennylyn gusto nang magbagong buhay
Hindi naman pala nagkabalikan sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Kay Jennylyn mismo nanggaling ang denial pero sinabi niyang magkaibigan silang muli ng aktor. Ayaw na raw niya na magkaro’n ng kagalit kaya ‘yung mga pwedeng batiin ay binabati na niya. Pero bakit kaya si Luis Manzano, hindi pa sila bati?